S2-12

169 25 35
                                    

#Consequences

Simon

Nasa veranda ako,drinking a glass of scotch habang nagpapahangin para makapag isip ng maayos.

"Son?"

Nilingon ko si Pops.

"Is she asleep now?"

Tumango ako.He is referring to Dayana.

"Are you okay?"He asked ng makalapit siya sa akin.

I took a sipped bago binaba ang baso sa pasimano,then I tucked my hands inside my pocket.

"I don't know,Pops."

He pressed his lips and sighed.

"You have to marry her Son even if labag sa kalooban mo.I dont wan't my grandchild to grow up without having a complete family."

Hindi ako nakasagot.

"What's holding you back?"

I lowered and shook my head.

"I saw her,Pops..."mabigat sa kaloobang saad ko.

"Who?"

I took a deep breath before I spoke.

"Si Jack."garalgal na ang boses ko. 

"Jack?you mean?....."

"Yes,Pops Police Detective Jackielyn Marasigan,the one who saved our family five years ago."

"What?......."

I  looked heavenward and sighed.I closed my eyes then  tears drop from my eyes. I sniffed and wiped it. "The love of my life is back Pops...."

"Oh god..Son..."

Pops hugged me. I wept.

"Sssh...its alright..its alright."

I inhaled and wipe my tears. 

"But I think...she doesn't remember me Pops..."

"What do you mean?"

"I don't know...it seems like she had a new identity,a new name,pero malakas ang kutob kong siya yun."

Pops hissed."Alright,do you want my help to investigate her?but...what about Dayana?what ..what will happen to her?"

I am speechless,gulong-gulo na ang utak ko,I dont want to hurt Dayana,lalo na ngayon that she's pregnant with our kid.Its my child,i am sure of it.

"You have to think about the consequences son,you have to think about your child."

Mabigat ang pinakawalan kong buntong hininga bago muling uminom ng alak.

"Son,I will call Sandro later,he knew someone named Detective Brent Mejares,we could talk to that guy and asked him to do the job for you."

"I'll do it Pops,I'll talk to Sandro tomorrow,I think I need help with regards to this."

"But son,remember,you have to deal with the consequences,and please consider Dayana and your child,bago ka gumawa ng pinal na disesyon."

Pops is right,I have to think of the consequences.I guess I have to choose now between my child and pursuing Jack to become part of my life again.

Mabigat na disesyon,na kahit saan ako lumingon ay may masasaktan,may mag sasakripisyo.

"Where are you going son?"Tanong ni Pops ng bigla ko nalang siya talikuran.

"I have to breathe Pops,at hindi ko yan magagawa dito sa bahay.I have to go somewhere to think about what is happening now.I'll be back,just tell Mom and Dayana. Bye Pops."

"Alright son,you take care."

"I will Pops,thank you."



Samantala....

Jack Pov:

Mejares residence...

Nasalo ako ni Joey bago pa man ako bumagsak sa lupa,ngayong nagkamalay na ako ay gusto ko ng umalis.

Ayoko ng magtagal dito,kung kinakailangang hindi ako matulog,hindi ako matutulog hangga't hindi ko nahahanap ang kapatid ko.

Bumangon ako mula sa pagkakahiga sa kama ni Joey,at mabilis na lumabas ng silid. Derecho na akong lumabas ng bahay patungo sa kung saan nakapark ang motor ko.

"Jack,sandali!"si Joey sabay abot sa akin ng isang maliit na pirasong papel.

"Yan ang address kung saan naroon ang puntod ng mga magulang mo at ng Mausoleum mo."Anito

Nakasakay na ako ng motor ko at paalis na ng lumapit siya sa akin.

"Salamat Joey."

Tinanguan niya lang ako,sabay atras.

"Mag-iingat ka."Aniya.

Nakalabas na ako ng gate,bitbit ang pag-asang isa-isa ng masasagot ang tanong sa aking isipan.

Kalaunan ay nakarating na ako ng sementeryo at  agad nahanap ang puntod ng mga magulang ko.Hindi ko pa alam ano ang dapat na maramdaman,dahil sa nabura kong alaala pati emosyon ko ay hindi ko na maintindihan.

Umalis ako sa puntod at pumasok sa mausoleum kung saan ko nakita ang tomb at picture. Kamukhang kamukha ko ang nasa larawan kaya sa madaling salita ako nga si Jackielyn Acosta Marasigan na tinuturing ng limang taon ng patay.

Gusto kong magmura ngunit pinigilan ko ang sarili,sa halip ay kinuyom ko nalang ang mga kamao at lumabas ng Mausoleum. Hindi pa man ako nakakalabas sa bungad ng pinto ay may kakaiba na akong nararamdaman,at kung hindi ako agad nakakubli sa gilid malamang sa katawan ko bumaon ang bala mula sa hindi ko alam kung saang direksyon nanggaling.

"Tengene."usal ko ng makitang matamaan ang picture frame ko.

Tama si Joey,delikado nga ang buhay ko.

Book 3: Always&Forever,JackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon