28

388 53 18
                                    

#Choose

Jack

Natigilan ako sa ginawa ni Simon, kung hindi ako nagkakamali, pangalawang beses na niyang ginawa sa akin 'to, noong huli ay hinalikan pa niya ako.

Ibang klase malasing ang isang 'to, ang kalat!

Umayos siya ng tayo at bigla nalang akong hinawakan sa magkabilang braso.

Namumungay na ang kanyang magagandang mata dahil sa espiritu ng alak sa kanyang katawan.

Sino ba naman kasing nagpainom sa isang 'to?sarap sugurin at pektusan sa lalamunan!

Nasinok pa si Simon, pag nasukahan niya ako siguradong bibigwasan ko siya. 

Ngumiti siya, ngiti ng isang lasing.

"Darling?....."

"Tch!"

"Ssshhh!" aniya sabay lapat ng kanang hintuturo sa aking labi.

Rektang saradu ang bibig ko sa ginawa niya.

"Don't tsssssuuusshh me..listen Darling..."

Tinapik ko ang daliri niya.

"Woooowww..." Para siyang batang sinundan ng tingin ang daliri sabay lapat ulit nito sa aking pisngi.

Tinutusok-tusok niya ng daliri niya ang aking kanang pisngi, hanep tuwangtuwa pa ang mokong.

"Pikon,maganda,palamura,amoy...amoy...menthol.."aniya,saka nasinok ulit.

"Ano ba?!" asik ko sabay tabig ulit sa daliri niya.

Ang loko,nginitian lang ako.

Marahas na buntong hininga ang pinakawalan ko at iiling-iling na piningot siya sa tenga. 

"Ouch!no.no..no..not my ear darling, that is a sensitive part of my sexy body...baka kung ano ang magising mo sa hot na katawan ko..."

Kumikislap ang mga mata niya ng sabihin yun, idagdag pa ang pilyong ngiti sa labi niya.

Napapailing na lang ako. 'Wow ha?!lakas ng tama!sagad hanggang sakong ni San Pedro sa langit ang confidence level!ang galing!'

"Kiss mo nalang kaya ako?" Aniya sabay nguso.

"Haissssshhhhh!umuwi ka na nga!"

Sa halip na lumayas sa harapan ko ay bigla nalang niya akong niyakap ng mahigpit.

Hup**

Literal na huminto ng isang segundo sa pagtibok ang puso ko.

Sinubukan ko siyang itulak pero mas lalong humigpit ang yakap niya sa akin.

"5 seconds..."

"Ano?"

"Let's stay this way for 5 seconds, ang bilis kasi ng tibok ng puso ko.." aniya.

Nag-alala tuloy ako,baka nagka-alcohol intoxication na ito at bigla nalang mamatay.Sayang ang genes ng lokong 'to kung uod lang ang makikinabang.

Badtrip naman oh!kargu de kunsensya ko pa pag namatay to dito sa teritoryo ko. Ugh!

"Hoy Simon?!okay ka lang ba?!" nag-alala na ako.

Bumuntong hininga siya.

"Sshh.,I am listening to our heartbeat..so please..keep quiet..."

Hindi na ako sumagot. Ang hirap makipag-usap sa nag ha-hallucinate na lasing.

"Jack?"

"O?"

Book 3: Always&Forever,JackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon