29

347 54 11
                                    

#Truly,Madly,Deeply


Jack


Naalimpungatan ako ng makarinig ng kalabog sa baba,kaya napabalikwas ako ng bangon at mabilis na tinakbo pababa ang hagdan.

Pagkarating ko sa sala ay nakita kong nasa sahig na ang hawla,nakabukas na ito at wala na ang mga daga sa loob.Ang nakakakaba ay may pusang umaaligid sa loob ng bahay na tila ba hinahanap para gawing midnight snack ang mga alaga ni Simon.

'Haissshh!pambihira!'

Kumuha ako ng walis at hinabol ang pusa,nagmistula akong si Jerry na hinahabol si Tom, tengene baliktad pa ata!hayup yan!haissst!! Simon!!!

Naghabulan kami sa kusina, paakyat ng hagdan,paikot-ikot sa sala.Kung saan-saan na tumatama ang dulo ng walis dahilan para malaglag ang mga unan sa sofa,mga libro sa estante at ang-----

"Potek!!!"

Napamura ako at napaupo sa sahig ng mabangga ang kanang tuhod ko sa gilid ng mesa,ang nakakabwisit ay nilingon pa ako ng pusa. Sarap pektusan sa bumbunan ang walangya! paano ba naman kasi ay na-iimagine ko na itong nanunuyang nakangisi. 

Hindi agad ako nakatayo,kaya namilog ang mga mata ko ng mahuli  ng pusa si Sisi.Kagat na nito ang daga sa beywang kaya parang umakyat lahat ng adrenaline ko sa utak ng mabilis kong dambahin ang pusa para mabawi sa bibig nito si Sisi. Dahil sa gulat ay nabitawan ng pusa si Sisi at kumaripas na ito ng takbo na animo'y may spring sa katawan na tinalon ang maliit na bintana na nasa taas ng sink. 

Sa init ng ulo ko ay hinagis ko ang walis sa sink. 

"Anak ng pot----!!!"

Hindi ko na naituloy pa ang pagwawala ng mapansin kong duguan ang dagang si Sisi. Nakahiga ito sa sahig at tila ba malalagutan na ng hininga. Natigilan din ako ng makita kong lumapit ang dagang si Jaja dito at tumabi ng higa, literal na para silang mga taong nagdadamayan. 

Nakunsensya ako.Hindi ko maaring pabayaang mamatay si Sisi dahil alam kong malulungkot si Simon.

Tengene naman kasi e!

Lumapit ako at lumuhod para makuha si Jaja. Una ko siyang binalik sa loob ng hawla, bago ko kinuha si Sisi, na dinala ko sa mesa at inihiga. Nag-aalala na ako pero kailangan kong kumalma dahil unang una wala na rin naman akong mapupuntahang veterinarian dahil hatinggabi na.

"Sisi?hoy!tengene naman huminga ka kung ayaw mong tuluyan kita!"

Taas baba ang katawan ng daga, na para bang nahihirapan itong huminga. 

Napatayo ako at napahawak sa batok. Alalang-alala na ako, ang masaklap ay hindi ko pwedeng tawagin ang loko-lokong si Simon dahil lasing ang gunggong. 

"Aysssttt!sandali-sandali!kukuha ako ng first Aid Kit!utang na loob huminga ka kung ayaw mong --ughhh!!!"

Naghalughog ako sa mini-cabinet na nasa taas ng sink ng banyo. Nakahinga ako ng maluwag ng may makita akong first Aid kit doon. 

Ginamot ko agad ang sugat ng daga sa tiyan at binalot ng manipis na tela ang katawan,bago ko ito ibinalik  sa loob ng hawla. 

Umupo ako sa sahig,at tinitigan ang mga daga habang nakapatong ang baba ko sa aking magkadikit na bisig na nakalapat sa mesa. 

Napanatag ako ng makitang hindi na naghahabol ng hininga si Sisi. 

"Sige na..magpahinga na kayo,dito lang ako, hindi ko kayo iiwan." 

Kinakausap ko ang dalawa. Lumingon sa akin si Jaja bago pa man ito tumabi ng higa kay Sisi. 

Pinagdikit ko ang labi saka tumango. 

Book 3: Always&Forever,JackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon