46

266 53 20
                                    

#Moon

Jack

Napansin kong nag iba ng dinadaanan si Baste,hindi kami dumaan kung saan kami dumaan kanina ngunit gayunpaman ay hinayaan ko lang siya at nanatili  lang akong walang imik sa upuan.

Marahil dahil gusto ko ring makapag isip, sa palagay ko kasi malaki ang maitutulong ni Baste sa misyon ko.

Sinulyapan ko siya habang nagmamaneho,at kagaya ko,malamin din ang kanyang iniisip.

Sa tagal ko sa serbisyo,madali na para sa akin ang bumasa ng tao,kaya alam kong may iba kay Baste,katulad ko ay mukhang may itinatago din itong lihim.

Naisip ko ang mga bagay na'to,dahil nakita ko kanina na iba ang ekpresyon ng mukha ni Baste ng dumating si Marco. Iba yung nakikita kong galit sa mga mata niya, kaya sigurado akong balatkayo lang itong pagiging masayahin niya at mukhang takot kay Marco Silvestre.

Lumingon siya sa akin kaya nahuli niya akong nakatingin sa kanya.

Ngumiti siya.

"If it's okay with you, I want to treat you for dinner." Aniya.

Kumurap ako,nanatiling nakapinid ang labi.

Kinagat niya ang pang ibabang labi niya sabay balik ng tingin sa harapan.

"Sa bahay namin tayo pupunta,nagpahanda na kasi ako ng dinner.Nagugutom na ako e,okay lang ba?"dagdag niya.

Tumango ako bago tumingin sa labas ng bintana.

Tahimik na rin si Baste,ngunit panakanaka kung naririnig ang malalim nitong pagbuntong hininga.

Hindi naman naging mahaba ang byahe namin dahil makalipas lang ang bente minutos ay nakarating na agad kami sa isang exclusive subdivision.Ngunit kumpara doon sa unang subdivision na pinuntahan namin, etong napasukan namin ay tama lang ang laki ng mga bahay,ngunit kung pagbabasehan naman ang mga disenyo,masasabi kong mas maganda pa ang mga bahay dito kaysa sa mga mansyong nakita ko kanina.

Bumukas ang isang malaking gate,at tuluyang naiparada ni Baste ang sasakyan.

Nauna siyang lumabas kaya pinagbuksan niya ako ng pinto.

Agad kong inilibot ang paningin.Malaki ang bakuran,at kaaya-ayang tingnan ang lawn dahil sa kulay berdeng mga bermuda grass.

"Come."Wika ni Baste,na nasa paanan na ng pinto ng bahay nila.

Sumunod ako sa kanya.

Pagkapasok sa bahay ay hindi ako nagkamali,na mayaman nga si Baste. Dahil kahit saan ako tumingin ay sumisigaw ng mahal ang nga kagamitan sa loob ng bahay,kahit na chandelier ay nakakalula sa sobrang elegante.

"Kuya Daddy!!!"

Sabay kaming napalingon ni Baste sa may hagdanan.

Napako ang mga mata ko sa kanilang dalawa lalo na ng lapitan ni Baste ang batang babae at kargahin ito,sabay halik sa pisngi.

"How's my sister?"nakangiting tanong ni Baste sa bata.

"I am fine Kuya Daddy!"Masayang sagot ng bata.

Tantiya ko ay nasa 7 or 8 years old ito.

Kumurap ang magagandang mata ng batang babae ng mapatingin sa akin.

"Put me down Kuya Daddy."Utos nito kay Baste.

Ibinaba naman ito ni Baste kaya nagkaroon ito ng pagkakataong makalapit sa akin.Bahagyang tumingala ang batang babae para tingnan ako sa mukha.

"Hi!"

Yumuko ako para mag level ang height naming dalawa.

"Hello."Tipid kong sagot.

Book 3: Always&Forever,JackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon