S2-23

172 29 54
                                    

#Forgiveness

Jack

"Pa..Ma..naririnig niyo ba ako?"

Nakatayo ako sa harapan ng puntod ng aking mga magulang.

"Pasensiya na,ngayon lang ako nakadalaw,nakatulog kasi ako ng apat na taon,akala ko nga mag re-reunion na tayo diyan, pero pocha!binuhay ako ng Diyos,ayaw niyang iwanan kong mag-isa si Kim dito. "

Huminga ako ng malalim para maibsan ang bigat na nararamdaman.

"Pero hindi ko mahanap si Kim..Pa. Hindi ko alam kung nasaan siya ngayon,at.....si Joey nga pala yung bumibisita sa inyo dito,makikita niyo na diyan."

Pinahid ko ng likod ng palad ang bumagsak na isang butil ng luha sa gilid ng aking kaliwang mata.

"Tengene, mag-isa na naman ako,ganito ba naramdaman ni Kim ng iwan ko siya?ang hirap pala Ma,yung ang daming tanong sa utak mo, pero wala kang mahagilap ni isang sagot.Nakakabaliw Pa.Buti sana kung yung taong tinuturing mo na masasandalan mo ay wala ding bigat na pinapasan,pero wala..kumplikado din ang buhay ni Simon.Kilala niyo naman yung syota ko di ba?ayun Pa,ikakasal na sa iba."

Umihip ang malakas na hangin kaya napapikit ako para damhin iyon.

Dumilat akong muli at yumukod sabay baba ng hawak na bouquet of white roses.

"Hahanapin ko si Kim..Pa..at hahanapin ko rin ang pumatay sa kaibigan ko.Pinapangako kong hindi ako hihinto hangga't walang napaparusahan.Pangako yan Pa,Ma."

Hinaplos ko ang puntod nilang dalawa bago tuluyang tumayo.

"Ate......"

Natigilan ako,kilala ko ang boses na iyon.

Nakuyom ko ang kamao, kung may isang sisisihin sa pagkawala ng kapatid ko, yun ay ang taong nangako sa aking aalagaan niya si Kim at hindi sasaktan.

Pumihit ako paharap at si Vinny ang nakita ko. Nangangayayat na siya at tila ba wala ng maayos na tulog dahil sa lalim ng kanyang mga mata.Medyo mahaba na ang kanyang buhok at kahit nakapag ahit man halata pa ring lugmok siya dahil sa pagkawala ni Kim.

Gustong-gusto ko siyang sapakin pero pinipigilan ko lang ang sarili ko dahil nasa harapan kami ng puntod ni Mama at Papa.

"Tama nga si Kuya,nakabalik ka na.."Matamlay niyang sabi.

Kurap at nakapinid na labi ang siyang natanggap niya mula sa akin.

"Ate .. I'm sorry..."

Basag na ang boses niya at tila ba maiiyak.

Lumuhod siya.

"I'm sorry if I broke my promised to you.."

"Pinagkatiwala ko sayo ang kapatid ko, pero anong ginawa mo?"pigil ko ang galit.

"What happened is all my fault..I was..."

Umiling ako kaya natahimik siya.

"Huwag mo ng painitin ang ulo ko,alam ko na ang lahat.Ginago mo ang kapatid ko.Tapos ang usapan."

"Im sorry......"Umiyak na siya at hindi naman bato ang puso ko para hindi maawa sa kanya.

"Tumayo ka na diyan."

Nag-angat siya ng tingin,lubog pa rin sa luha ang mga mata niya.

"Tumayo ka na pero hindi ibig sabihin nito ay pinapatawad na kita.Mapapatawad lang kita kung buhay na makakabalik ang kapatid ko,dahil kung hindi...magtago ka na."

Napalunok si Vinny kasunod nun ay ang kanyang pagtango at dahandahang pagtayo.

"Tutulong ako sa paghahanap ate,ibibigay ko sayo lahat ng impormasyong nakalap ng mga kinuha kong detective and---"Huminto siya sa pagsasalita para magpahid ng luha,"maari nating mapagkonekta lahat ng impormasyon para....."

Hindi niya naituloy ang sasabihin ng magsalita ako.

"Kumain ka na ba?"tanong ko.

Saglit siyang natahimik saka umiling.

"Halika.Sumunod ka sa akin."Sabi ko at nilampasan siya.

Dahil mahahaba ang biyas niya kaya mabilis niya akong nasabayan sa paglalakad.

"A-ate we can use my car,I'll drive."Alok niya.

Hindi ako sumagot at sumakay lang sa aking motor.

"Sundan mo lang ako."sabi ko.

Pumasok siya sa kotse niya at nakasunod na siya ngayon sa akin. Pupunta kami sa isang kainan,kahit galit ako sa kanya,ayoko pa ring pinapabayaan niya ang sarili niya at alam kong ito rin ang gusto ni Kim ang huwag ko ding pabayaan si Vinny.

Nalaman ko ang lahat ng nangyari sa kanila dahil kay Brent.Sinabi niya sa akin lahatlahat kaya isa rin yun sa dahilan kaya napauwi agad ako ng Ilocos.Gusto kong sapakin si Vinny,pero nong makita ko siya sa ayos niya,nagdalawang isip na ako,dahil larawan lamang iyon na nagsisisi din siya sa ginawa niya sa kapatid ko.

Huminto kami sa tabi ng dalampasigan kung saan may mga nagtitinda ng mga street foods.

"Kumakain ka ba ng pagkaing kalye?"tanong ko pagkalabas niya ng sasakyan.

Ngumiti siya."Oo naman ate."

"Mabuti,dahil kunti lang ang pera ko."

"I can treat you."

Tumingin ako sa kanya,wala naman akong sinasabi pero naumid na ang dila niya.

"Ako ang nag-aya sayo dito,kaya ako ang magbabayad,huwag kang paladesisyon."Sagot ko saka nauna ng lumapit sa mga nagtitinda ng isaw.

"Ale,isang supot ng kanin at dalawang isaw.Ikaw?ano sayo?"tanong ko sa kanya.

"Ah..fried chicken and rice."

Pinagmasdan ko siya,sa kabila ng pagiging kutis mayaman at anak mayaman ay napakasimple lang ni Vinny,palangiti rin kahit sa mga mahihirap, kaya siguro nagustuhan siya ng aking kapatid.

"Halika."Tawag ko sa kanya matapos naming makuha ang inorder namin.

Dinala ko siya sa tabing dagat,makulimlim ang kalangitan at may nagbabadyang ulan pero wala akong pakialam.

Gutom ako.

Nauna akong umupo, tinuko ko ang mga tuhod at parang maton na kumain.

Napansin kong nakatingin siya sa akin kaya lumingon ako sa kanya.

"Now I know why my brother loves you.."aniya.

Kumurap lang ako,hindi sumagot.

"You are authentic,genuine at kakaiba sa lahat."

"Exotic ganun?"

Ngumiti siya,tumingin na rin ako sa malawak na dagat.

"Kahit anong pinagdadaanan mo,huwag na huwag mong kalimutang kumain para makapag-isip ka ng maayos."sabi ko.

"Kaya ba,palagi mong tinatanong si Kuya kung kumain na ba siya?"

"Hindi."sagot ko.

"Ahhh....."

Lumingon ako sa kanya.

"Tinatanong ko siya,dahil payat siya,mahihiya ang xray machine sa kanya."

Gumuhit ang napakagwapong ngiti sa kanyang labi na para bang ngayon lang siya nakakangiti ulit.

"Ang totoo ayokong magkasakit siya,ayokong nasasaktan siya,ayokong nagagalusan siya,magwawala ako."Sabi ko.

Manghang napatingin sa akin si Vinny.

"Kaya sana naging ganyan ka rin sa kapatid ko."dagdag ko.

Nalungkot na naman siya.

"Im sorry ate.."

Maangas akong tumango sabay kagat ng isaw.

"Sapat siya kung totoong mahal mo siya,pero kung naghanap ka ng iba,gagu ka."

Tinamaan siya sa sinabi ko kaya hindi siya nakasagot.

Hindi na ako muling nagsalita pa,dahil naglalakbay na ang aking diwa at naiisip na sana gaya din ng alon si Kim,kahit gaano man kalayo ang marating babalik at babalik pa rin ito sa dalampasigan ng kusa para ipahiwatig na hinding hindi siya nawawala,uuwi at babalik pa rin siya sa amin,sa mga taong nagmamahal sa kanya.

'Pakatatag ka Kim.. hahanapin ka ni Ate kahit anong mangyari.'

Book 3: Always&Forever,JackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon