Reticence

501 21 21
                                    

D

University Admission Office

"Deans, ano? Nakapag decide ka na?"

"Di pa, Pongs."

"Kanina pa tayo dito eh, ipapasa na lang yan oh."

"Ikaw ba tapos ka na?"

"Kanina pa, Deanna Wong. Inaantay na lang kita."

"Eh di mauna ka na dun magpa register.x

"Sabay na tayo kasi!"

"Di ko pa nga alam kukunin ko."

"Ano ba yan, dumaan yung buong summer, Deans di mo napag isipan yan?"

"Bakit, ikaw ba, ano sayo? Patingin nga." kinuha ko yung registration form niya.

"Luh? Architecture, Pongs? Di ka nga marunong mag drawing ng stick na tao eh!"

"Paki alam mo, eto gusto ko eh. Akin na nga yang reg form ko. Bilisan mo! Nagugutom na ko."

"Ganyan na lang din kaya kunin ko no? Para you know, classmates pa din tayo hehe."

"Bahala ka sa buhay mo, Deanna. Kung anong gusto mo."

"Gusto ko sana med eh, same kay ate. Kaso tignan mo nga siya hanggang ngayon nag aaral pa din haha, wala akong ganong pasensya sa pag aaral. Kaya nga nag varsity ako nung high school tayo eh, ayoko ng puro aral, pasang awa sapat na haha."

"Dami mong sinasabi! Ano susulatan mo yan o ako magsusulat dyan ng course mo, pumili ka!"

"Fine! Dahil ayokong maghiwalay tayo, Architecture na lang din. Haha."

"Isulat mo na kahit anong gusto mo kunin, ikaw naman magdudusa, di naman ako."

Fine! Haha, architecture na lang. Wala akong maisip eh. At least, kasama ko na si Pongs. May kilala na ko. Bahala na siyang makipagkilala sa iba, ayoko ng mga ganong bagay.

Pauline is my best friend, magkababata kami. Magkaibigan kasi yung mama niya at mama ko. So, ayun, no choice haha. But, seriously, she's a big help sakin.

Napaka socially awkward ko. Si Pongs lang naman tumutulong sakin para maayos ako makapag interact sa ibang tao.

"Okay, tara na! Tapos na ko."

Nag proceed na kami sa registration. Saglit lang natapos na din kami.

"Yey! Makakalamon na tayo!"

"Nakapa takaw mo, Pongs. Blockmates tayo hehe."

"Hay, kasama na naman kita, kailan mo ba ko tatantanan? Baka dahil sayo kaya di ako nagkakajowa eh."

"Panget ka lang, dinamay mo pa ko!"

"Ulol! Panget mo mukha mo. Tara na, kunin natin sa university store yung isang set ng uniform at PE uniform."

----------

J

First Day of School

"Wow naman, Jema! Bagay na bagay sayo yung uniform mo. Gandang babae!"

"Kaloka ka, Kyla. Ako pa binola mo."

"Pero mas kaloka ka, bakit naka uniform ka na agad?"

"Ha? Bakit? Bawal ba?"

"Di naman, pero may naka note naman sa form natin na pwede tayong mag civilian pa for 1 week eh."

Shoot! Kaya pala tong si Kyla pormang porma, naka civilian lang.

"Seryoso ba? Di nga?"

"Di ka nagbabasa, Jema. Haha, pero okay lang yan bes. Ang ganda mo sa uniform. Hanap tayo jowa sa school haha." sabay kapit niya sa braso ko.

StillsWhere stories live. Discover now