The Door

1.3K 64 29
                                    

J

"How's your day, baby?" tanong ko kay Deanna habang kausap siya sa phone.

"Nakakapagod, ang daming ginawa sa work, overtime pa."

"Kawawa naman ang behbeh ko, lika hug hug kita!"

"Hmmmmm! Ang sarap naman ng hug mo, baby.. Ikaw kamusta araw mo?"

"Masaya, nag gala kami ni Mafe.. Kaming dalawa lang nandito.."

"Nasaan sila mama? Bat kayo lang dyan?"

"Nandun sila kina tito, nag mini reunion sila."

"I miss you, Jema! Sobra..."

"Miss na din kita.."

"Kailan balik mo dito?"

"2 weeks pa ko dito, baby..."

"Ang tagal pa pala, baby.."

"To naman, kakauwi ko lang dito, baby.. Pero miss na din kita talaga.."

"Baby, labas ka.." Deanna said on the phone.

"Anong labas? Gabi na, baby.. Tulog na tayo. Maaga pa pasok mo sa work bukas di ba?"

"Yes, maaga.. May meeting kami eh. Pero... Sige na, lablab ko labas ka saglit."

"Bakit? Ano ba meron sa labas?" ano ba tong pinagsasabi ni Deanna.

"I'm here, baby.."

Ha? Anong nandito? Eh ang layo layo nito sa apartment niya. Nasa Manila siya, ako nandito sa Laguna, umuwi muna samin.

"Anong I'm here, Deanna? Nantitrip ka na naman anong oras na.."

"Basta labas ka na dyan sa kwarto mo please.."

Baliw talaga to, for sure nantitrip na naman to.. Ang hilig pa naman nito mag prank sakin, madalas kasabwat pa niya si Mafe..

"Hay naku, prank na naman ba to, baby? Matulog na kayo ni Mafe, pag titripan niyo na naman ako."

"Eh basta, baby.. Labas ka na please... Sige ka, pag di ka lumabas---"

Bigla na lang akong nakarinig ng malalakas na katok sa labas ng pinto ng kwarto ko..

Mga katok na gustung gusto ng pag buksan ko agad ng pinto..
.
.
.
.
.






















































































"Ate! Ate! Gising! Ate!!!" nagising ako lakas ng boses ni Mafe at sa pag alog niya sa akin.

Pawis na pawis ako at hingal na hingal..

"Shit, ate! Tinakot mo ko! Akala ko di ka na magigising! Sabi ko naman sayo wag ka na matulog dito sa kwarto mo pag ganitong panahon, tara dun ka muna ulit sa kwarto ko..."

"Anong nangyari, Mafe?"

"Narinig ko na naman yung mga katok ate.."

"Ayoko na, Mafe.. Gusto ko ng matapos lahat to.. Taon taon na lang kada ganitong buwan, ganito lagi ang nangyayari.."

"Alam mo, ate para matapos na lahat yan, alam mo naman ang gagawin eh.. Takot ka lang.."

"Natatakot ako.."

"Sasamahan kita, gusto mo?"

"Baka madamay ka pa.."

"Basta sasamahan kita, nang matapos na to.."

"Bahala na, Mafe.. Tara na, dun na tayo sa kwarto mo.."

Tumayo na kami ni Mafe at lumakad palabas ng kwarto ko.

Bago ko pa tuluyang isara ang pinto ng kwarto ko, sinilip ko ulit ito..

Hanggang kailan ako hindi matatahimik?

"Tara na, ate.. Matatapos din to.." hinila na ako ni Mafe palayo sa kwarto ko..

StillsWhere stories live. Discover now