Nostalgia

1.2K 59 13
                                    

J

She parked at the gas station and pulled the handbreak.

Walang kahit anong ingay sa loob ng sasakyan, nakakabingi ang katahimikan.

Dahan dahan siya tumingin sakin, sa mga mata ko. Nagtatanong ang mga mata niya.

"So, what now, Jema?" she asked.

"It's good to see you again, Deanna. Gaano na ba katagal nung huling nagkita tayo? Almost 2 years ago ba?"

"Yes. Yung nakita kita sa gate ng village niyo tapos saktong napadaan ako."

"Oo nga, tama. Yung bumaba ka pa ng kotse mo tapos hinabol mo ko."

"Last dinner natin together yun."

"Sa Racks. Ang tagal nating pinlano kumain dun dati no."

"Yes, Jema. Natuloy naman kahit di na tayo hehe." tumawa siya pero kilala ko si Deanna, hindi yun ang tawa niya pag masaya siya.

Hindi ko na alam ang susunod kong sasabihin. Dati pag mag kasama kami lagi akong masaya, kasi alam ko kinabukasan makikita ko siya ulit.

Pero ngayon, nagkataon lang naman ulit na nagkita kami pagkatapos ng mahigit na dalawang taon. Ibang iba na ang pakiramdam, di na tulad ng dati.

"Jema..." tawag niya sakin.

"Yes, Deanna?"

"Hatid na kita sa inyo, gabi na." nag seatbelt na siya ulit.

Hindi siya ganito dati, ni minsan hindi siya naunang mag aya umuwi. Para sa kanya kulang pa din ang buong araw na kasama niya ko.

"Deanna, naaalala mo ba yung sabay tayong papasok at uuwi dati, nung college pa tayo."

"Oo naman, salitan pa nga tayong magbaon ng breakfast eh."

"Tapos on the way papasok sa school kakain tayo hehe."

"Ikaw lang kaya kumakain, nag dadrive kaya ako." medyo tumawa siya, inaasar niya ko.

"Hoy grabe ka ah, sinusubuan naman kita."

"Pero mas madami kang nakakain, Jema haha."

"Nakakamiss..." the good old days. Nung simple lang ang buhay noon, palaging masaya, yung problema madali lang solusyunan di katulad ngayon.

"Anong nakakamiss, Jema?"

"Lahat. Yung papasok ka lang sa school, problema mo lang yung academics mo."

"Gusto mo bang balikan yung mga namimiss mo?"

"Naku, di na pwedeng balikan ang lumipas na, Deanna. Hanggang alaala na lang yun."

"Pwede pa, Jema. Ano, tara?"

"Ha? Anong tara?"

"Tara, balikan natin yung dati. Yung sabay tayong papasok sa school. Yung 4am palang tatawagan na kita at gigisingin."

"Tapos maiinis ka pag late ako nagising hehe."

"Oo hehe, tara balikan natin, Jema kahit isang araw lang, let's pretend 2017 ngayon."

"Seryoso ka ba, Deanna?"

"Oo, Jema. Seryoso ako."

"Nag aaral pa tayo nung 2017."

"Eh di mag uniform ka, gamitin mo yung bag mo non."

"Hindi ko na alam kung kasya pa sakin yun. Ni di ko na maalala kung saan ko tinabi yung uniform ko."

"Makikita mo yun pag uwi mo. Ano tara? Bukas? Sundun kita sa inyo ng 5am?"

"Sinong mag pprepare ng breakfast?"

StillsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon