Oblivion

1.2K 63 14
                                    

D

"Love, anong gusto mo basketball team o volleyball team?" tanong ko kay Jema habang nag ddrive.

Papunta kami ngayon sa ospital for my wife's check. She's 7 months pregnant. And I'm really excited to meet our son.

Right! It's a boy.. We're having a baby boy soon.. Actually, we have a baby girl na, our first child, si Margaux. Our daughter is already 2 years old.

"Anong tanong yan, love?"

"Eh basta pili ka na, love.."

"Bakit nga muna?" hay, Jema naman eh.. Gusto muna ng paliwang bago sumagot.

"Both na nga lang. May team captain naman na pareho, sa volleyball si Margaux and sa basketball naman our soon baby boy!" hinawakan ko pa ang tyan ni Jema, at napangiti naman siya.

"Ikaw talaga, love ah.. Gusto mo pa talaga ng team, di ka nga marunong magpakain kay Margaux eh.."

"Uy, love.. Pinakain ko kaya siya kanina."

"Pinakain mo nga pero puro kalat lang kayong dalawa kanina.."

"Ang hirap naman kasi pakainin ni Margaux, love.."

"Hindi ka lang marunong, love. Ini-spoil mo kasi yun eh, kaya ang kulit pagdating sayo."

"Alam mo naman, love, dun lang ako magaling hehe."

"Bago yang dream team mo dapat matutunan mo muna mag alaga ng babies natin hehe.."

"Love naman eh.. I'm the provider naman at sobrang love na love ko talaga kayo.. I love you po!"

"Ikaw talaga. I know naman, binibiro lang kita, love.. Alam ko namang lahat ginagawa mo para samin."

"Pero love, promise pag may time papaturo ako sayo. Alam mo naman sa trabaho sobrang daming ginagawa."

"Okay lang, love.. Kaya nga ako nandito eh, magtutulungan tayo para sa family natin." yumakap pa si Jema sa braso ko.

Haaaay... Sobrang swerte ko talaga kay Jema. Kahit ang daming kulang sakin, mahal na mahal pa din niya ko.

"Ah, love.. Mag uwi pala tayo ng pasalubong para kay Mafe mamaya.. Sure pagod na pagod yun sa pagbabantay kay Margaux, napakakulit pa naman ng batang yun."

Buti na lang talaga malapit lang ang apartment ni Mafe samin, napakiusapan namin siyang magbantay muna sa anak namin. Weekend naman, wala siyang pasok.

"Ay, oo nga pala.. Nagbilin siya, mag uwi daw tayo ng cake, alam mo naman yun, ang takaw hehe.."

"Okay, love.. Bili tayo mamaya.."

Malayo layo pa kami sa ospital. Si Jema busy na ulit sa phone niya.. For sure nag checheck na naman to ng mga baby accessories, sobrang excited na kasi niya para sa baby boy namin eh. Nagsisimula na siyang mag decorate ng room ng baby namin.

Hinayaan ko na lang si Jema. Medyo traffic kanina pero pag pasok namin dito sa expressway, smooth naman ang daan..

"Love, dahan dahan lang sa pagddrive, ang bilis mo na magpatakbo.." dinig kong sabi ni Jema.

Napatingin pa ko saglit sa kanya pero dun pa din naman siya sa phone niya nakatingin.

"Opo, love.." nag slowdown na ko baka magalit pa si misis eh mahirap na..

Beeeeeeeeep!

Beeeeeeeeep!!!

Ano yun?!

StillsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon