1975

706 38 39
                                    

D

"Guys! Cheers! Cheers! Cheers muna tayo!" Ate Bea said as we enter the VIP lounge of this bar.

"Hoy, Bea! Di ba pwedeng kain muna ha? Di ka pa din nagbabago." That's ate Maddie, grabe, all this years, ganito pa din silang dalawa mag usap.

"Ate Bei, kain muna kasi. Nagutom ako don sa game oh, ang hahaba ng rally nila." The never ending saga, Ponggay being hungry all the time.

Natatawa na lang ako sa kanilang tatlo. May nagbago ba samin? Parang wala naman, tumanda lang ata kami eh.

Nagsi upo muna kami, food already served pagdating namin, drinks are all here too, naka ready na nga yung mga shot glass may mga laman na for this celebration?

Celebration ba to? Eh parang nanuod lang kami ng first game ng laban ng Ateneo for this season. Tama si Ponggay eh, ang hahaba ng rally nila kanina, parang walang bababang bola sa game na to. Lahat ata libero eh, lalakas mag dig at save ng bola.

"Uy, Deans. Ano? Salita ka naman dyan, walang reaksyon? Speechless? Kami lang to."

"Nagugutom lang ako, ate Bei. Pwede kain muna bago laklak? Haha."

"See, told yah, Bea. Ikaw lang naman tong lamon ng lamon buong game." ate Mads.

Hahaha remembered that, di ko alam paano nagagawa ni ate Bea yun eh. Kain sabay sigaw at cheer dun sa mga batang naglalaro. Nahihiya na nga ako kanina eh. Ilang beses pa naman kaming nafocus sa game.

"Wew, ate Bea! Nakakahiya ka kanina, kitang kita sa camera na kain ka ng kain hahaha." Ponggay said.

Dahil di naman na makakaangal si ate Bea, she gave up at kumain na muna kami. That was a very long game, dikit yung laban, sinulit hanggang 5th set. Ateneo won.

Pero di naman kami nag cecelebrate dahil don. Reunion daw kasi to haha. Sabagay, ang tagal naming hindi nagkasama. Dapat madami kami ngayon eh, pero busy kasi talaga yung iba. Kaming apat lang yung natuloy.

Life is now different. Dati pag sinabi nila ate Bea na meet up at this place at this time, lahat nandun talaga eh. Pero ngayon, nahirapan pa kami sa mga schedule namin. Buti nga apat pa kami, dapat wala si Ponggay, kinunsensya ko lang to ng katakot takot eh.

Steak's done, mashed potato's none. We're all done with the meal.

"So, cheers? Guys?" Tinaas na ni ate Bea yung glass niya.

And we all did the same.

"Cheeeeeers!!!" so, overwhelming! Sabay sabay pa kaming napasigaw ng cheers. Napaka surreal kasi sa pakiramdam. Magkakasama ulit kami na parang tulad lang ng dati.

And we continued drinking and talking about updates in our life.

Well, I was the first one to retire from professional league. I got injured, I took it as a sign na din to retire. Madami pa kong gustong gawin aside from playing volleyball.

Alam ko naman na hindi forever ang pagiging athlete. I need to start something stable for my future. I quit professional league 2 years ago. After non, hindi na ako nagpakita o nainvolve sa volleyball. I took a different path after volleyball.

After I announced my retirement sa volleyball, ang daming nag offer ng coaching position sa iba't ibang team. I declined them, gusto ko na talaga ng ibang career, yung malayo sa spotlight.

Ayokong makilalang na retiree that took coaching career, ayoko. Gusto kong patunayan sa sarili ko na may iba pa kong kayang gawin bukod sa pagiging athlete.

"So, Deanna. Mag kwento ka naman. Ikaw yung pinaka matagal na hindi nagpakita ha." ako nga yun, ate Mads. Alam ko namang ang dami kong utang na kwento sa kanila.

StillsWhere stories live. Discover now