Surrogate

1.7K 57 18
                                    

J

"Baby, susunduin mo ba ko mamaya?" tanong ko kay Deanna.

We're on our way to Adamson.. I'm coaching the girls' volleyball team.

"Jema, baka hindi kita masundo.."

"Bakit, baby? Overtime?"

"No, lalabas kami nila ate Bea after work."

"Iinom na naman kayo..."

"Minsan na nga lang kami lumabas eh.."

"Minsan nga pero kung uminom kayo parang wala ng bukas. Pano ka mag ddrive pauwi mamaya?"

"Hindi ako iinom ng marami.."

"Sinabi mo din yan non, pero anong nangyari? Nabangga ka di ba? Buti minor lang at nagawa mo pang mag seatbelt."

"Tama na, Jema.. Wala ako sa mood makipag away, okay.."

Beeeeeeep!

Biglang umalog ang kotse.. Shit!

Binaba ni Deanna yung salamin sa side niya...

"Hooooy! Gago ka! Kung magpapakamatay ka, wag kang mandamay!"

May bigla palang nag cut na motor sa unahan namin. Muntik na niyang mabangga..

"Deanna, ano ba, ang aga aga ang init ng ulo mo."

Grabe ang aga parang umaapoy na yung ulo niya..

"Anong gusto mong maging reaction ko, matuwa ako na muntik na tayong maaksidente?"

"Ang sinasabi ko, kumalma ka. Wala namang magagawa yang init ng ulo mo.."

"Tsss.. Oo nga pala wala akong magagawa naman talaga, gaya ng wala akong magagawa dahil hindi ka pwedeng mabuntis.."

"Deanna, naririnig mo ba yung sinasabi mo? Kasalanan ko bang ganito ako? Ha?"

"Ewan ko, tama na! Sumasakit ang ulo ko."

"Kaya ba nagkakaganyan ka dahil sa hindi ka magkakaanak sakin?"

"Nasayang lang, Jema. Nasayang lang lahat ng process na inulit ulit natin! Hindi ka naman pala talaga pwede magka anak. Akala ko ako yung may problema, ikaw pala mismo!"

Tang ina! Yan pala yung dahilan bakit matagal na siyang ganito, laging wala sa mood, mainit ang ulo!

"Nagsisisi ka na? Na ako ang pinakasalan mo dahil sa di ko pwedeng dalhin yung magiging anak mo, ha?! Eh di sa iba mo isaksak yang genes mo!"

"Kung pwede ko lang gawin yan, ginawa ko na! Matagal na!"

Hindi ko na kaya.. Napaiyak na lang ako.. Ang sakit ng mga sinasabi niya.. Ginusto ko ba to? Hindi naman.. Kung alam lang niya kung gaano ko kagusto magkaanak kami. Pero di na mangyayari yun. Wala na lahat ng pangarap namin na yun..

Di ko na mabibigay sakanya yung pangarap niyang volleyball team ng mga anak sana namin.

Hindi na ako nag salita... Ano pa bang sasabihin ko, totoo naman lahat ng sinasabi ni Deanna.. Malaki ang pagkukulang ko sa kanya...

Huminto na siya sa tapat ng Adamson..

Hinalikan ko muna siya sa pisngi, pero hindi niya ako tinignan. Pag baba ko, humarurot na siya ng takbo paalis..
.
.
.
.
.
.
----------

D

"Deans! Slow down! Masyado pang maaga para malasing ka.." pagpipigil sakin ni ate Bea.

"Namiss ko to eh. Namiss ko kayo.."

Nandito na kami sa loob ng bar. Kaming 3 kasama si Pongs. Gusto ko lang magpakalasing ngayong gabi talaga.. Ayoko isipin yung problema.

StillsWhere stories live. Discover now