Stranded

1.7K 83 31
                                    

D

What the hell happened?

Sobrang bobo ko para pumasok sa gubat at maligaw. And now what? Naiwan na ko ng bangka pagbalik ko dito.

Fuck, Deanna! Sobrang bobo mo!

And now I have to stay the night here. Bukas na ulit ng umaga ang balik ng mga bangka para maghatid ng mga turista dito sa isla.

Bobo, Deanna! Bobo!

Napasabunot na lang ako sa buhok ko..

Hapon na konti na lang magdidilim na. Kailangan kong makahanap ng lugar na pwede akong mag stay magdamag.

Naglakad lakad ako sa paligid ng dalampasigan at sa bungad ng gubat baka sakaling makakita ako ng pwede silungan.

Di ko mapigilang murahin ang sarali ko sa katangahan ko. Imbes na maging maganda tong bakasyon na to naging disaster pa sakin.

Sigurado akong nag aalala na sila Ponggay. Magtataka yun kung bakit hindi ako kasama ng bangka pabalik.

Hay! Tang inang buhay to kahit kailan talaga..

Habang naglalakad ako sa bungad ng gubat.. Nakarinig ako ng ingay..

"Shit! Shit! Anong klaseng lugar to! Bakit walang signal man lang!"

And there... Nakita ko kung kanino galing ang boses..

"Excuse me..." lumingon siya agad sakin.

Wow! So, I'm not the only one stranded here..

"Oh my god! Sa wakas... Akala ko, ako lang mag isa dito." she said.

"Naiwan ka din ba ng bangka?" tanong ko.

Lumapit na siya sakin.

"Yes.. Ikaw din ba? Wala ba talagang signal dito?" itinaas pa niya ang phone niya.

"Wala talaga miss. Kahit anong taas mo pa sa phone mo, wala kang masasagap na signal dito."

"So, paano tayo makakabalik?"

"Bukas na ang balik ng mga bangka."

"What?! Anong bukas? Kailan ko ng makabalik sa hotel ko. I can't stay here!"

"Miss, you know what, wala na tayong magagawa. We have to stay here overnight."

"No! Hahanap ako ng signal!"

At ayun mukha siyang tanga kakataas ng phone niya para sa signal.

Nakakaubos naman ng pasensya tong babae na to.. Kala ko pa naman may maayos akong makakasama dito buong gabi. Pero mukhang spoiled brat tong isang to!

"Okay.. Ikaw bahala. Pero I assure you, kahit saan ka pa pumunta dito sa isla, wala kang masasagap na signal."

"Alam mo napaka nega mo. Di ka nakakatulong. Umalis ka na nga."

Napabuga na lang ako ng hangin sa bibig. Spoiled brat!

Iniwan ko na siya kung saan ko siya nakita. Bahala siya sa buhay niya. Dun na nga lang ako sa may unahan ng dagat.

Kumuha muna ako ng mga tuyong kahoy at dahon para sa bonfire. Malamig na dito mamayang gabi. Wala pa naman akong dalang kahit ano sa backpack ko kundi camera, basic first aid kit at dalawang bote ng mineral water.

Naghanap ako ng magandang pwesto malapit sa dalampasigan. Yung madali akong makikita ng mga bangka bukas.

Tapos inayos ko na yung mga kahoy at nagsimulang gumawa ng bonfire. Buti na lang may dala akong lighter.

StillsWhere stories live. Discover now