Walked Away

1.3K 56 11
                                    

J

"Jess, please naman.. Just this time. Magpaka-ama ka naman sa anak mo. Isang araw lang naman yun. Di ka ba kayang pakawalan ng babae mo?"

...

"Basta! Dumating ka sa kasal ng anak mo! In 3 days, Jess. 3 days, dumating ka dito. Tapos!" then, mama dropped the call.

Hindi niya alam na kanina pa ko nandito sa likod niya. Nagising lang naman ako para sana kumuha ng tubig, but I heard her bursting on the phone.

Kausap pala niya si papa..

"Jema.. Bakit gising ka pa? Gabing gabi na.."

"Ma, dadating po ba si papa sa kasal ko?"

"Kailangan niyang dumating.."

"Sige na, matulog ka na.. You need to rest, anak.."

"Paano mo nakakaya, ma?"

"Ang alin anak?"

"Yung ganyan.. Yung alam mong may ibang babae si papa. Yung kuntento ka ng umuuwi uwi lang siya dito"

"Lahat para sa inyo ng kapatid mo. Wala akong pakialam sa babae niya. Ayokong mawala ang papa niyo sa inyo."

Hindi ko alam ang isasagot ko. Hindi ko alam kung matutuwa ako dahil nasa amin si papa o maaawa ako kay mama.

"Sige na, Jema.. Matulog ka na. Akong ng bahala sa lahat."
.
.
.
.
----------

D

"Babe, are you okay? Napadaan ka ata dito sa resto? Namiss mo ko no?"

Nagulat ako ng biglang dumating kanina dito si Jema sa resto. She looks restless, hindi ata siya nakatulog.

And here she is, resting on me.. Napabreak tuloy ako ng wala sa oras sa kitchen. My girl needs me.

"Dito muna ako, babe. Please, let me hug you.." lalo pang yumakap sakin si Jema..

"All right, babe.."

Nanatili na lang kaming tahimik ni Jema. Nakaupo lang kami dito sa couch ng office ko.

"Babe..." tawag ko sa kanya.

"Hmmmm..."

"Hindi ka naman aatras di ba?"

"Bakit mo naman naisip yan, babe?"

"Alam ko namang parang ang bilis ng nangyari satin. 4 months of dating and here we are, 2 days to go and we're getting married. But, Jema.. Believe me, I really love you, kaya nagpropose agad ako sayo."

"I believe you, babe.. I really do. Don't get worried please."
.
.
.
.
---------

J

Hindi ko alam kung anong nangyayari sakin.. Parang bigla akong natakot. Lalo na sa nakikita ko sa mga magulang ko ngayon.

They've been together for a very long time bago sila nagpakasal and here they are, fighting.. Tapos si papa meron pang babae, tinitiis naman to ni mama.

Ayokong mangyari sakin to.. Kung tutuusin, kilalang kilala na nila ang isa't isa bago nagpakasal pero ganito pa din ang nangyari sa kanila..

Natatakot ako.. Ayokong maging katulad ni mama..

"Jess! Saan ka pupunta?!" eto na naman sila..

"Babalik ako agad.."

"Kasal bukas ng anak mo! Tigilan mo muna yang babae mo!"

"Fe, alam mo ikaw, nababaliw ka na eh. Kung ano ano na lang pumapasok sa isip mo."

"Wag ka ngang mag maang maangan, Jess. Di ako tanga at bulag para di malaman na matagal na kayo ng babae mo!"

Narinig ko na lang na may umandar na kotse.. Tinanaw ko sa bintana. Kotse ni papa.

Ayoko na...

Umakyat ako sa kwarto at nagbihis.. Kinuha ko ang susi ng kotse ko..

Pag labas ko ng kwarto ko, nakita ko si Mafe na kalalabas lang ng pinto ng kwarto niya.

"Ate... Saan ka pupunta?"

Niyakap ko siya..

"Saglit lang ako... Sige na, matulog ka na ulit."

"Ate, gabi na.. Bukas ang wedding mo.."

"Mabilis lang ako bunso. Sige na.."

"Mag iingat ka ate..."
.
.
.
.
----------

D

Tomorrow's gonna be a big day for me!

Hindi ko na alam ang mararamdaman ko. Basta ang alam ko sobrang excited ko na para bukas. Dahil bukas, yun na ang simula ng buhay namin ni Jema na magkasama.

At gagawin ko ang lahat para araw araw lang siyang maging masaya kasama ako..

Ringgggg...

Ohhh.. Who's hitting my doorbell this late? I'm not expecting a visitor this late. Everyone knew na bukas ang big day namin ni Jema, and I have to rest early, maaga pa ako mag checheck in sa hotel kung saan ang reception namin.

Sumilip muna ako sa peephole bago buksan ang pinto. Mamaya kung sino pala to..

But, no.. It's my Jema... What is she doing here this late? She's just on her black hoddie and pants..

I opened the door immediately.

"Hey, babe.. Gabi na ah?" bungad ko sa kanya.

Pero tinignan niya lang ako..

Nag aalala talaga ako.. Something is really off.. Ilang araw na siyang wala sa sarili niya.

"Babe, pasok ka muna.. You wanna talk?"

"Ah.. No.. Saglit lang ako.."

"What's wrong, baby? Tell me.."

Bigla niya kong niyakap..

"Deanna... I love you.."

"I love you too, babe.."

"Deanna, I'm sorry...."

Wait... What? Anong sorry?

Medyo umatras ako.. Gusto kong linawin ang sinabi niya..

"Wait, Jema. Anong sorry?"

Ngayon ko lang nakitang ganito ang mga mata niya.. Malungkot.

She took something in her pocket..

"I'm sorry, Deanna... I can't do this. I'm really really sorry.."

She took the engagement ring back to me..

"Jema, tell me, this is just a joke.. Please, babe..."

"I'm sorry, Deanna.. I'm really really sorry..."

Then, she walked away..

This is not happening...
.
.
.
.
"Jema, anak.. Nandyan si Deanna sa baba.. Please naman anak.. Kausapin mo naman siya ohh.."

I can hear Jema's mom knocking on her door. But no response from her..

Naghihintay lang ako dito sa baba, kasama ang dad niya.

"Deanna, pasensya ka na kay Jema. Ilang araw na siyang ganyan. Walang kinakausap. Lagi lang nakakulong sa kwarto niya." I rarely see Jema's dad here.

Tumayo na ko. Ilang araw na kong pabalik balik dito pero di naman ako hinaharap ni Jema.

"Okay lang po, tito.. Sige po, mauuna na po ako.."

Tinapik ng dad ni Jema ang balikat ko.

"Sige, mag iingat ka, anak. Pasensya na ulit "

Hindi ko alam kung anong nagawa ko o may hindi ba ako nagawa para gawin sakin ni Jema to.. Ni wala siyang paliwanag.

She just walked away..

StillsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon