In Another Life

953 55 18
                                    

J

"Oh, bakit ganyan ka makatingin?" palipat lipat ang tingin ko kay Deanna at sa daan habang nagmamaneho.

Madaling araw na, hindi namin namalayan ang oras sa dami ng napag usapan namin habang umiinom. Halos humiga na rin siya sa kotse sa sobrang kalasingan at pilit na idinidilat na lang ang mga mata niya.

Ngumiti siya, lalong naningkit ang mga mata niya at pulang pula ang mga labi at pisngi niya.

"Lasing ka na, tulog ka muna. Gisingin na lang kita pag nasa inyo na tayo." sabi ko na lang.

Ilang minuto lang, nagsalita siya ulit.

"Jema, aalis ka ba ulit?" tanong niya habang nakatingin sakin. Hirap na hirap na siyang idilat ang mga mata niya.

"Tulog ka na muna, Deans..." hinaplos ko pa ang pisngi niya para makatulog na sana siya.

"Answer me, Jema please..."

"Okay, okay... Lasing ka na talaga, ang kulit mo na." biro ko sa kanya. Masyado kasi siyang composed pag di naman lasing pero ngayon ang kulit niya, ang daming tanong.

"Ano nga, Jema? Aalis ka ba ulit?"

"Yes, aalis ako ulit. Alam mo namang nagbakasyon lang ako from work." naramdaman kong umayos siya ng upo. Pag tingin ko sa kanya, sa bintana na nakaharap ang ulo niya.

"Mamimiss pala ulit kita..." malungkot niyang sabi.

"Ang drama ah, di naman halatang namiss mo ko sa mga post mo, dami mong ganap." pabirong sagot ko.

"Kahit ganon, namimiss pa din kita pag wala ka. Bakit kasi di ka na lang dito magstay? May work naman dito para sayo."

"Uulitin ko na naman ba?"

"Okay, hindi na. Baka magalit ka eh."

"Hindi ako galit. Mag sleep ka na, ang kulit mo. Nag ddrive ako oh.."

"Fine, Jema..." di ko na siya ulit narinig magsalita, nakatulog na agad siya.
.
.
.
.
.
.
I pulled the handbreak, nandito na kami sa tapat ng bahay nila Deanna. Tulog na tulog pa din siya.

"Hey, Deanna.. Gising na, nandito na tayo sa inyo.." tinapik tapik ko pa siya sa pisngi para magising.

"Hmmmmm...." umikot siya patalikod sakin.

Same Deanna, ang hirap gisingin. Lumabas ako ng kotse at pumunta sa kabila, hihilahin ko na to pababa, walang mangyayari pag tinapik tapik ko lang siya.

"Deanna, wake up na..." naku, di pa rin siya nagigising.

Aakayin ko na sana siya pababa ng kotse ng biglang bumukas yung gate nila. Lumabas yung mama niya at si Andy.

Dire-diretso si Andy kay Deanna, yung mama naman niya lumapit sakin.

"Iha, Jema... Kanina pa namin kayo inaantay." sabi ni tita.

"Sorry po tita, inabot na kami ng ganitong oras. Pasensya na po talaga."

"Ano ka ba naman, Jema. Okay lang, di ka naman iba samin. Saka namiss ka talaga ni Deanna."

Nakita kong nagising na si Deanna, akay akay na siya ni Andy papasok ng gate. Halos di na siya makalakad.

"Ma, pasok ko na po sa loob si Deanna..." baling ni Andy pag tapat samin ni tita.

Andy is Deanna's girlfriend. Ngayon ko lang siya nameet ng personal. Pinakilala lang siya sakin ni Deanna sa isang video call namin non.

Tama nga si Deanna, maganda nga si Andy. Matangkad, maputi at kahit naka pambahay lang siya ngayon, ang sophisticated ng dating niya. Halata ding alagang alaga niya si Deanna.

StillsWhere stories live. Discover now