Nick of Time

943 63 10
                                    

J

I want an alone time, but not really. Just a time away from all the people I know.

I need a break from them.

But that doesn't mean I can't be with someone. I could use some stranger's company.

That must be exciting. Something new to experience.

I stood up. Tumingin tingin ako sa paligid ng resto bar na to.

Wala ng masyadong tao, iilan na lang kami tapos lahat pa may kasama...

Hmmmm....

Maliban dun... Dun sa nakaupo sa side na overlooking yung dagat.

Brave me... Lalapitan ko siya.

Why not? Wala namang mawawala sakin, mag isa lang ako, mag isa siya.

Mag isa nga lang ba siya? Bahala na. Two less lonely people in this world haha.

Inayos ko muna ang sarili ko. I fixed my hair, my short shorts and shirt. Para naman magmukha akong disente.

I cleared my throat first bago ako nagsalita...

"Hi...." I said.

Lumingon agad siya.

She's confused, I'm surprised.

I thought she's a long-haired guy. Medyo nakatagilid kasi siya sa side ko kanina. Di ko kita yung mukha, side profile at braso lang niya yung kita ko from my table.

Anyway, it doesn't matter. I can do both. Haha. Cute din naman siya. Mamula mula ang labi.

"Yes, miss?" she asked. Nakakunot lang ang noo niya.

Sabagay, kahit naman ako magtataka kung may biglang mag approach sakin na di ko kilala.

"Can I?" turo ko sa upuan sa tapat niya.

Nagsalubong na din ang mga kilay niya. Tumingin pa siya sa paligid bago sumagot.

"Here?" sagot niya.

"Yes, okay lang ba?"

"O-okay, sure." nag alangan pa siya ah.

Pag upo ko, inatupag niya ulit yung hawak niyang bote ng beer at doon ulit tumingin sa labas.

Ini-snob niya ang beauty ko. Huhuhu.

"Hey..." tawag ko ulit sa kanya.

Tumingin lang siya sakin.

"I saw you alone, kaya lumapit ako. Two less lonely people hehe. I'm J."

"Oh, I prefer being alone. But, anyway, I'm D." sabay tungga ng beer ulit.

"D lang?"

"Ikaw, J lang?"

Natawa ako. Haha.

"It's actually Jessica. I'm Jessica."

"Okay, Jessica. I'm still D."

What??? Naisahan ako dun ah. Binigay ko name ko, siya D pa din.

Tumayo siya bigla.

"I gotta go, Jessica. Nice meeting you."

Oh no... Kakaupo ko lang, iiwan na niya ko.

Bago pa siya makaalis, hinawakan ko na agad siya sa kamay.

"Hey, D. Stay for awhile, kakaupo ko lang. Inom tayo, its on me. Treat ko."

Naku naman oh...

Pero parang ayaw na niya talaga umupo ulit kaya tinawag ko na yung server na nakita ko, oorder na ako ng beer para wala siyang kawala.

StillsWhere stories live. Discover now