Stargazing

533 30 1
                                    

J

2028

"Guys, let's dance!"

Tumayo agad silang lahat pag intro pa lang ng dance music. Kanina okay pa yung music, kaya ko pa yung ingay pero ngayon ang sakit na talaga sa tenga.

Ganito na siguro pag tumatanda na. Dati naman ganito din kami mag celebrate ng mga teammates ko pag nananalo sa conference. Ngayon, iritang irita na ako konting ingay lang.

At ayun na nga yung mga players namin nasa gitna na ng dance floor. Deserve naman nila to, with the long conference, deserve nilang magparty hanggang bukas pa.

"Coach, labas lang ako." paalam ko. Di ko na talaga kaya tiisin yung ingay.

"Oh, Jema? Tara tara dito, inom lang. Sky's the limit sabi nga nila boss, diba?"

"Labas lang ako saglit coach. Babalik din."

"Sure, sure. Balik ka agad ah, ang dami kong inorder na drinks."

Tumango na lang ako at nagmamadaling lumabas. Grabe! Paano nila kinakaya yung ganon kalakas na music?

Tumakbo ako hanggang parking, hanggang labas rinig yung napakalakas na tugtog.

"Haaaaaayyyyyy...." malakas na buntong hininga pagdating ko dito sa likod ng kotse ko. Medyo hinihingal pa ko dahil sa pagtakbo ko.

"Ingay sa loob no?" Ha?

Napalingon ako sa gilid ko. Oo nga pala, nandito din sila.

Nagsindi siya ng sigarilyo at sunod sunod na nagbuga ng usok sa bibig at ilong niya.

"Gusto mo?" alok niya sakin ng pack na hawak niya.

"No, thanks. Di ako nagyoyosi."

"Try mo minsan. Nakakawala ng stress to, Jema."

Tinignan ko lang siya.

"Nakaka stress yung buong conference. Tapos natalo niyo pa kami." dagdag pa niya.

Yung team lang naman namin yung naglaban sa finals. Dahil parehong ayaw magpatalo, humaba yung conference lalo.

"It was still a good game, Deanna. Baka natalo niyo din kami kung bumitaw yung team namin."

Totoo naman eh, we almost lost the game. Hindi na galing sa paglalaro yung naging labanan kundi puso. Parehong magaling yung dalawang team.

"Dapat talaga hindi bumibitaw, Jema no? Kahit sobrang hirap na." sagot niya sabay hithit ulit sa hawak niyang sigarilyo.

"Yeah, dapat kahit parang talo na wag mo pa din isuko, baka dun ka pa manalo." sagot ko. Ganon naman talaga ang ginawa ng team namin kaya nanalo kami with that small edge of 2 points.

We won by 2 points! Ganon sila kahirap kalaban buong conference. Na sweep nila yung buong elimination round, di kami nanalo sa kanila buong elimination.

Ang sabi ko na lang sa buong team nung finals, puso na ang labanan dito. Since the whole team was so sure na wala na yun, matatalo na sila. But, we won because of a strong heart.

She looked at me and smirked. Then, she threw the cigarette butt.

"Don't worry, Jema. We'll do that next time. At sana applicable din yang sinasabi mo hindi lang sa court pero pati sa lahat ng aspect ng buhay mo."

"What do you mean, Deanna?" I hate it when she smirk. Feeling ko minamaliit niya ko.

"It would be trivial kung sa court ka lang ganyan."

"You don't know me."

Tapos tumawa siya ng malakas na di ko alam kung natatawa ba talaga siya o ako yung mismong pinagtatawanan niya.

StillsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon