Trespasser

2.1K 56 44
                                    

J

"Deanna, tara na! Saglit lang tayo." sigaw ko, ang bagal kasi maglakad.

"Jema, bumalik na tayo sa camp, ang layo na natin oh. Saka di ba sabi nga nila wag tayo lalayo sa perimeter. Parang di mo narinig yung warning ng mga taga dito ah."

Ano ba to si Deanna napaka duwag. Nagpapaniwala sa mga matatanda. Hello, 2024 na! Di na uso yang mga lamang lupa o engkanto... Di naman totoo yun.

"Eh, baby... Di naman masamang maniwala. Para na din sa safety natin. Kaya bumalik na tayo. Baka hanapin tayo nila ate Bei."

"Baby naman eh, sayang naman punta natin dito. Puntahan na din natin yung falls, please. Nabasa ko maganda daw dun."

Sayang naman kasi yung hike namin dito.. Ako nagyaya dito eh kasi gusto ko ngang puntahan yung falls. Kaso pagdating namin, sabi ng mga taga dito, off limits daw yun.

"Baby, di mo ba narinig yung sinabi nila, off limits yun.. Jema, tara na, balik na tayo, pahapon na oh.."

"Malapit na tayo, baby, sige na, pipicturan ko lang, sayang kasi eh, madaming gusto pumunta dun, so, kung mapipicturan ko yun at ma-upload sa blog ko, alam mo ba ibig sabihin non, baby?"

"Blog na naman.. Sige ano, ibig sabihin?"

"Madaming mag viview ng blog ko! Madaming mag shashare non.. Sisikat ako! Malaki kita di ba! Oha! If ever ako palang makakapunta sa falls na yun as far as I know.. Sige na, baby ohhh.. For meeee.." niyakap ko na siya at nilambing lambing.

As far as I know, ako palang makakapunta sa falls na yun if ever. Kasi wala pa kong nakikitang picture non online. Nabasa ko lang yung about sa falls na yun sa isang old newspaper na nabasa ko sa national library.

Tapos sinearch ko yun, old photos na yung nasa internet, black and white, same sa photo dun sa old newspaper na nabasa ko.

According dun sa newspaper, paradise daw yung falls na yun. Para ka daw nasa langit na sa ganda at payapa ng pakiramdam dun.

Kaya nagtataka ako bakit off limits na yun. Nag search pa ko about sa falls na yun, as a travel blogger, nacurious talaga ako!

Since 1942 pa pala yun off limits sa public. Grabe ah panahon pa ng lolo at lola ko. Kaya pala walang pictures yun na bago online.

Sabi din sa isang article online, naka barricade yung buong paligid ng falls. Wala naman ako makitang reason bakit off limits na yun.. Kaya eto, gusto ko na tapusin yung curiosity ko.

"Fine, fine, whatever, baby.. Saglit lang tayo dun ah.." yown! Pumayag din si Deanna.

"Promise, saglit lang tayo dun, baby.."

Nagpatuloy pa kami sa lakad.. Sobrang layo pala ng falls, malayo na kami sobra sa camp site namin. Pero okay lang. Babalik naman kami agad...

"Baby, tumawag pala si mommy kahapon, nung namimili kayo ni ate Kat ng supplies natin nung nag stopover tayo." basag ni Deanna sa katahimikan namin.

Di kasi kami nagsasalita na eh. Nakakapagod maglakad. Ang init pa.. Magkasunod lang kami. Nasa likod ko siya.. Di kami pwede mag sabay medyo makitid na yung daan.

"Oh, baby, ano sabi ni mommy?" tanong ko.

"Sabi ni mommy kelan mo daw i-schedule yung food tasting para sa iseserve na food sa reception natin, yun na lang kulang, Jema."

Oo nga pala. Di ko pa na-schedule yun. Okay na lahat ng preparation namin for our wedding. Yung food na lang. We're getting married in 3 weeks.

"Okay, baby, sige pag balik natin ng Manila. Aasikasuhin ko na yun."

StillsWhere stories live. Discover now