Hell

3K 65 56
                                    

D

"Ano to? Anong klaseng mga kuha to? Di naman bebenta to sa mga tao. Walang ka buhay buhay, Wong!" sabi ng editor namin.

I work in a newspaper company. I'm a photographer. Its been my passion since I was a kid. I look up to my dad. He's my idol. He's a known photographer in his time.

Sobrang in demand ni dad non, kasa-kasama niya ko sa lahat ng lakad niya.

Photo shoots, political rally, press release ng mga politicians, interviews ng mga sikat na artista, car racing events, running events, wedding, debut, anniversary, birthday, name it, siya ang kinukuha laging photographer to cover the event.

Kaya kahit hindi artista si dad, sobrang sikat niya. He's a celebrity photographer. Ganun kami nabuhay.

Minsan nga kakain lang kami sa labas, may biglang lalapit kay dad para magpapicture eh. And even samin ni ate, tuwang tuwa yung mga tao, nagpapapicture din samin because of my dad's fame.

Because of my dad, I fell in love with photography, gusto ko din kumuha ng mga pictures ng katulad sakanya. Lahat ng kuha niya, buhay na buhay, lahat may puso, litrato lang yun pero iba't ibang emosyon yung mararamdaman mo sa mga kuha niya.

Journalism yung kinuha ko nung college. Para I can work in field na involved yung photography. Tapos after college, kumuha pa ko ng photography courses. Gustung gusto ko talaga maging professional photographer like my dad.

"Sir, tignan mo ohhh, ang dami kong kuha, wala ba kayong nagustuhan dyan? Pinaghirapan ko lahat yan." nilatag ko pa isa isa sa editor namin yung mga kuha ko.

"Anong magugustuhan ko dito? Eh lahat to basura! Umalis ka na sa harap ko. Ang layo mo sa tatay mo. Kala ko magaling ka kaya kinuha agad kita."

Tang ina! Lagi na lang ganito... Nung college ako akala ko ang galing galing ko na. Pagdating ko sa totoong trabaho, bigla akong naging latak. Lagi pa kong nakukumpara kay dad.

Umalis na ko sa building namin...

Anong klaseng kuha ba gusto nila! Lahat na ata ng anggulo ginawa ko...

Naglakad ako papuntang resto ni Jema, 3 streets away lang naman sa office ko yun.

Pagpasok ko sa resto nakita agad ako ni Jema.

"Hi, Love! Bad day at work?" sinalubong na niya ko at niyakap.

Jema is a chef.. She owns this restaurant. Nakilala ko siya sa isang wedding event namin dati, sila yung kinuha for catering services.

Dahil malakas loob ko, kinuha ko agad number niya. Konting palitan ng messages. Inaya ko mag date. Niligawan ko, and voila, kami na.

We've been together for a year na, actually, engaged na kami 3 months ago. Alam ko sobrang bilis pero kasi iba si Jema sa lahat ng nakilala ko.

Di siya katulad ng iba na puro make up at damit lang laman ng utak. Puro paganda lang. Si Jema, matalino, maalaga, malambing, maalalahanin, may pangarap siya sa buhay. Kahit di pa siya mag make up o ano, kahit naka pang chef lang siya na uniform, ang ganda ganda niya pa din.

Tapos na ko dun sa mga panahon na puro sarap lang yung gusto ko sa isang babae, ayoko kasi ng commitment noon, lalo na sa field ko, lahat ng tao come and go, one night with a model, the next night with a famous artist naman.. Walang commitment as long as we satisfies each other.

"Yeah, Love. Sobrang bad day. Kailan ba nila magugustuhan yung mga kuha ko. Hindi naman ako si dad." umupo na kami dito sa isang table, window side.

"Love, ano ka ba, wag kang sumuko, I'm sure makukuha mo din yung big break para sayo, patience, Love okay." haaaay, Jema...

Nawawala na agad yung frustration ko dahil sa kanya.

StillsWhere stories live. Discover now