Adío

1.1K 70 10
                                    

D

"What are you doing here, D?"

"I wanna see you."

"Yun lang? You flew here, just to see me? Is that right, D?"

"Oo nga.. Ano pa bang gusto mong dahilan?"

"Alam kong baliw ka, pero may mas ibabaliw ka pa pala."

"Hindi ako baliw ah. Masamang makita yung go-to person ko."

"Ewan ko sayo."

"Yan lang sasabihin mo sakin? Pagkatapos kong magka jet lag sa haba ng byahe papunta dito."

"Kasi naman, sinabi ko bang pumunta ka dito."

"Hindi. Pero I wanna see you nga. Just be happy I'm here kasi."

"Nag aksaya ka lang ng pera mo." tapos tumalikod na siya at mabagal na naglakad.

"Uyyy, iiwan mo ko dito?" habol ko sa kanya habang hila hila ang maliit kong maleta.

Wala akong kahit anong sinabi sa kanya. Basta pumunta ako dito, kasi gusto ko na siyang makita.

Saka ko na sinabi sa kanya nung nandito na ako. Para wala na siya magagawa, kasi nandito na ako. Alangang pauwiin niya ko hehe.

Humarap siya sakin at kunot ang noo, haha. Mas natutuwa ako pag naiinis siya, ang cute niya kasi.

"Sinabi ko bang iiwan kita dito?"

"Hindi, pero---"

"Pero pero pa. Nag aassume ka na naman. Lika na, sakay tayo ng cab don." sabay hila sa kamay ko.

Sumunod lang ako sa kanya hanggang sa makalabas kami ng arrival area ng airport. Nakasakay agad kami ng taxi.

"Saan ka ba nag sstay dito?" tanong ko sa kanya.

"Medyo malayo dito. Idlip ka muna, gisingin kita pag nasa port na tayo."

Kakasandal ko lang ng ulo ko pero napa angat agad ako.

"Port? Anong port?"

"Gulat na gulat ka?"

"Saan ka ba nakatira dito?" napapahilot na ako ng ulo ko, ang lala ng jet lag ko sa almost 17 hours na byahe na yun.

Hinawakan niya ang ulo ko at hinilot saglit tapos pinasandal niya ko ulit.

"Sige na, sandal ka na muna dyan. Idlip ka muna. Malalaman mo din kung saan."






"Dean... Hey, wake." unti unti akong nagmulat ng mga mata ko.

"Let's go, mahaba haba pa ang byahe natin." kahit inaantok pa ako, sumunod na lang ako sa kanya.

Saan ba kami pupunta? I wanna sleep... 😴

Sumakay kami sa isang ferry boat. Pinilit kong matulog pero di ako makatulog. Kahit gusto na bumagsak ng mga mata ko sa pagod, gising na gising ang utak ko.

Tinitignan ko lang siya. Sa wakas, kasama ko na siya. Halos dalawang taon ko din siyang di nakita.

Kung di pa ako pumunta dito, hindi pa siguro kami magkikita.

"Hindi ka ba matutulog?" tanong niya pag lingon sakin.

"Malayo pa ba?"

"Another 1 hour." isang oras pa, parang halos magtatatlong oras na kami dito.

"Araw araw kang nagbabyahe ng ganito?"

"Hindi, D. Ngayon na nga lang ulit ako umalis ng isla."

"Isla? Ano?"

StillsWhere stories live. Discover now