Drunk

2K 62 65
                                    

J

"Jema, sama ka later ah? Sabay ka na sakin pagka out natin mamaya.."

"Sige, sure, Jia.. Ikaw pa malakas ka sakin eh.."

Niyaya ako kahapon ni Jia na sumama sa birthday party ng fiance niyang si Miguel. Mamayang gabi na yun..

Matagal na kaming magka work ni Jia, siya na ang naging best friend ko dito sa work.. Mag kasama kami dito sa accounting department..

Umoo na ako agad sa aya niya kahit wala naman akong kilala dun, siya lang at si Miguel.. Sabi niya siya na daw bahala sakin..

Ipapakilala niya daw ako sa mga friends nila ni Miguel.. Close friends lang naman daw nila ni Miguel ang invited..
.
.
.
.
.
"Jem, ready ka na? Let's go.."

"Sige, wait lang ayusin ko lang gamit ko.."

Nag aayos na kami ng gamit.. Pa out na kami ni Jia.. Friday pa naman, traffic.. Katipunan pa daw kami pupunta, dun kasi nakatira si Miguel..

Pag tapos namin mag ayos ni Jia.. Lumabas na kami agad.. Buti na lang may kotse si Jia, di na kailangan makipagbakbakan para makasakay lang..

"Ji, di ba nakakahiya? Hehe.. Wala akong kilala dun eh.."

"Ano ka ba, Jem, si Migs nga nagsabi na papuntahin kita eh.. Mababait yung mga friends namin, pramis.."

"Sige na nga, hehe.. Nandito na ko eh.."

Naabutan na nga kami ng traffic. Tawag na din ng tawag si Miguel kay Jia habang nasa byahe kami eh.. Tinatanong kung nasaan na kami..

Halos mag 8pm na kami nakarating sa subdivision kung saan nakatira si Miguel..

Halatang exclusive subdivision to ah.. Tapos yung mga guards sa may gate kanina, halatang kilala na si Jia.

Huminto na si Jia sa tapat ng isang bahay.. Sa labas palang ang ganda at ang laki na tignan.. Ang yaman pala talaga ng jowa neto ni Jia.

Bumaba na kami.. High tech pala tong gate.. May parang code na inenter si Jia tapos nag unlock na yung maliit na gate sa gilid.

Pagpasok namin, bumungad samin ang isang spacious na garden sa harap.. Ang laki nga dito.. Dinig ko na din ang malakas na music.. Sure kanina pa nag start ang party..

Lumakad na kami papasok. Dinig ko yung malalakas na tawanan. Mukhang medyo madami ngang bisita si Miguel..

Pagpasok namin nakita kami agad ni Miguel.. Ang dami ngang nandito.. Medyo napahinto pa sila..

"Hi, babe.. Ang tagal niyo. Kanina pa kami nag start.." bungad ni Miguel kay Jia.. Niyakap niya pa to.

Ang pula pula na niya.. Nakainom na ata siya..

"Babe, ang aga aga pa pulang pula ka na, slow down sa pag inom ah.."

"Tagal niyo kasi eh.. Hi, Jema.. Buti naman sumama ka.."

"Makaka hindi ba ako sa inyo.. Happy birthday, Migs.."

"Thank you, Jema.. Wag ka mahihiya ah.. Babe kain na kayo ni Jema dun.."

"Ah wait, babe.. Pakilala ko muna si Jema sa kanila.."

Tinawag ni Jia yung mga kaibigan nilang busy maglaro ng wii, just dance ata yung nilalaro nila.. Todo asaran pa sila..

"Guys, tara muna dito.. May papakilala ako sa inyo.."

Naglapitan na yung mga kaibigan nila.. Hininaan din nila yung music..

"Ate Jia, bat ang tagal mo? Lasing na kami hahaha!" sabi nung isa.. Tapos nag tawanan sila.

"Ang ingay mo Bea.. Natraffic kami.."

StillsWhere stories live. Discover now