Turbulence

1.4K 70 21
                                    

D

"Deanna, drop that race.. Ilang beses na sinabi ni mommy sa'yo na wag ka na mag compete di ba?" pangungulit ni Jema sakin.

Haayy.. Heto na naman kami.. 2 araw na lang lilipad na kami papuntang Dubai for Dubai 24-Hour Race. Inofferan kami ng Car Collection Motorsport para mag compete para sa team nila. Kaming dalawa ni Bea.

Simula ng magka anak kami binawasan ko na nga yung mga race na sinasalihan ko eh.. 2 to 3 events na lang kada taon. Tapos ayaw pa niya kong pagbigyan dito.

"Love, naman eh... Ang kulit mo naman, this is my passion. Ganito mo na ko nakilala eh.. Okay lang naman sa'yo dati ah?"

"Oo dati, okay sakin, hinahayaan lang kita kahit halos atakihin ako sa puso sa tuwing manunuod ako nga race mo. Iba na ngayon, Deanna oh.. May anak na tayo, kambal pa. Kung anong mangyari sayo dun, dalawa yang iiwan mo!"

Napapraning na naman tong si Jema. Ginagamit pa yung mga anak namin para di ako tumuloy sa race namin. We have twins. Baby girls. Danielle and Gabrielle.

"Paranoid ka kasi, Jema eh. Buong buhay ko nag rarace na ko, namatay ba ko? Hindi naman ah? Dun mo nga ko nakilala eh. Saka, Love, kasama ko naman si Bea.. Hayaan mo na ko.. Babalik naman kami agad after the race."

Ano ba to si Jema di ko matapos tapos tong pag iimpake ko ng mga gamit ko. Pupunta pa ko sa motor shop para mag bilin kay Pongs eh..

"Ayan pa, parehong matigas ulo niyo ni Bea. Sumasakit din ulo ni Maddie sakanya. Di niyo ba naiisip na may pamilya na kayo? Deanna maawa ka na naman kay Dani at Gabi oh, 4 na taon palang sila."

Nabbwiset na ako...

"Ano ba, Jema, di ka ba titigil?! Naiinis na ako ah... Sabi ng uuwi kami agad.. Hindi ako mapapano... Uuwi ako sa inyo ng mga anak natin. Bata pa kami ni Bea eto na ginagawa namin. Eto lang alam kong gawin!"

"Sige, pairalin mo yang passion passion mo! Taon taon na lang ako nakikiusap sayo na tumigil ka na. Kada aalis ka, parang sasabog lagi yung puso ko sa kaba! Na baka anong mangyari sayo."

"Paulit ulit tayo dito eh. Taon taon na nga di ba, tatanungin kita ulit, Jema, namatay ba ko?"

"Tinatanong mo talaga ako nyan?! Hindi ka nga namatay! Pero, yan! Yan! At yan! Dun mo yan nakuha di ba?" pinagtuturo niya yung pilat ko sa noo, sa leeg at sa braso..

"Halos maubusan ka ng dugo dahil sa tama mo dyan sa leeg mo, Deanna! Last year lang yan di ba? Iyak ng iyak yung mga anak mo non, Deanna! We almost lost you! Ano naman ngayon? Matutuluyan ka na?!" dagdag pa ni Jema.

Hindi ko alam bat di ko magawang iwan ng tuluyan tong car racing. Dito lang kasi ako magaling eh. Eto lang alam kong gawin. Pag nagpapatakbo ako ng mabilis, ang gaan gaan ng pakiramdam ko. Nagtayo nga ako ng business, may kinalaman pa rin sa kotse.

Mahal ko si Jema pati yung mga anak namin. Pero kasi mahal ko din tong passion ko eh.. Yun ang di maintindihan ni Jema.

"Jema, hindi mo kasi naiintin---" di ko na natapos ang sasabihin ko..

Biglang pumasok sa kwarto namin si Gabi.. Umiiyak..

"Babyyy, whyyy? Come here..." tanong ko sa anak ko.

Binuhat ko agad si Gabi.. Grabe ang bilis lumaki ng anak ko.. Ang bigat na niya..

"What's wrong, Gabi? Why are you crying?" tanong ko sa anak ko...

Hinahagod hagod ko yung likod niya para kumalma. Si Jema naman pinupunasan na yung pisngi niya..

"Are you and mommy fighting, Dada?" she said while sobbing.

StillsWhere stories live. Discover now