The Unexpected

1.2K 69 13
                                    

J

"Excuse me?" napahinto ako sa pag babasa ko ng libro.

Someone is standing in front of me. May dala siyang tray. Makikishare siguro ng table.

"Yes?"

"Pwede maki share ng table? Please?"

Di naman ako madamot at saka punuan din dito sa coffee shop.

"Sure.." inurong ko ang notebook at mga pen ko na nasa table para maipatong niya ang tray niya.

"Thank you, miss."

"Sure. No problem." sagot ko at bumalik na ulit ako sa binabasa kong libro.

Napatingin ako sa mga binaba niya galing sa tray. Brewed coffee and pesto. Ang init init ah pero umuusok pa yung kape niya.

Teka, napakapakialamera ko na. Hahaha. Bumalik na ulit ako sa pagbabasa ko. Its a weekend at eto ang libangan ko pag walang trabaho. Tumambay sa coffee shop at magbasa ng libro.

...

...

...

"Hey, buddy!" naistorbo na naman ako, grrrr..

Napatingin ako sa harap ko, may dumating ata na kaibigan tong kashare ko sa table.

"Ang ingay mo naman. Quiet, buddy."

"Come on!" shocks! Hila hilahin ba nitong bagong dating yung kashare ko sa table.

Bad trip! Pati table namin gumalaw, natapon yung drink ko sakin! Bwiset! Nakaputi pa naman ako.

"Oh, shoot! Miss, sorry, sorry." agad niyang dinampot yung tissue sa ibabaw ng table at pinunasan yung parte ng damit ko na nabasa.

"Arrrggghhh! Bastos!" automatic yung kamay ko sa mukha niya. Nasampal ko siya! Di man lang tinignan kung ano na yung nahahawakan niya.

"Awww! What the fuck, miss?!" gulat niyang tanong habang hawak ang pisngi niyang nasampal ko.

Tumayo na yung kashare ko sa table.

"Miss, sorry, sorry talaga.." hinawakan siya nito at hinala.

"Wait, Ced.." ang sama ng tingin niya sakin.

"What's wrong with you, miss ha? Ikaw na nga tinulungan. Sinampal mo pa ko!"

"Di mo ba nakita ha? Kung saan dumapo yung kamay mo?!" siya pa tong galit, bad trip!

Napatingin siya sa damit ko, sa may dibdib ko particularly.

"Hoy, malay ko ba na dibdib mo yun! Wala naman akong naramdaman akala ko likod!"

Bwiset to! Napakabastos talaga!

Sasampalin ko sana ulit siya pero sinalubong niya ang kamay ko at pinigilan.

"You can't do that twice! Di nga kita chick o girlfriend pero sinampal mo ko. Sino ka ha? Sino nagbigay sayo ng privilege na sampalin ako?!"

Grrrrrr! Nakakapanggigil sobra!

"Deanna, let's go! Miss, sorry talaga. Aalis na kami." hinila na siya palabas ng kasama niya.

Bwiset na yun! Sinira pa araw ko!

Natanaw ko pa silang dalawa na nagtatalo sa labas ng coffee shop. Napakabastos talaga!

----------

D

"Ced, ang labo mo naman eh! Bakit hinila mo ko palabas?! Di pa ko nakakaganti dun sa mataray na babae na yun."

"Hoy, Deanna. Pinagtitinginan na kayo. Pag nalaman na naman ng dad mo na nakipag away ka, lagot ka na naman."

StillsWhere stories live. Discover now