14

1.1K 49 42
                                    

D

"Good morning! Mamaya ah, dating gawi, group date.. Labas tayo after class ah.." masayang bungad ni Bea pag labas ng kwarto.

"Hmmmm.. Ako pwede talaga mamaya, eh si Deans... Hahaha.." I know this one, inaasar ako ni Ponggay.

"Ano, Deans? Sasama ka o hindi?" hindi titigil to si Bea, I need to choose now.

Sasagot na sana ako pero biglang tumunog ang phone ko.

Nagtext si Jema...

"Mukhang dalawa lang tayo mamaya, Bei. Wag na tayo umasa hahaha.." Pongs.

Binuksan ko ang phone ko at binasa ang message ni Jema..

'Good morning, baby.. I miss you. Busy ka ba later?'

Gusto kong kasama pareho ang mga kaibigan ko at si Jema.

Matagal na naming ginagawa tong group date na to every valentine's. Ayoko namang hindi sumama sa kanila.

Pero gusto ko ding kasama si Jema, bago palang din kasi kami, first valentine's namin to.

"So, Deans, ano? Mamaya?" Bea waiting for my answer.

"Mag memessage na lang ako mamaya. Sige na, alis na ko, may klase pa ko." sabay tayo at sabit sa balikat ko ng backpack ko.

"Alam na to, di na kami aasa mamaya, Deans..." pahabol pa ni Pongs bago ako lumabas ng condo unit namin.

"Sige na, male-late na ko.." yun lang at lumabas na talaga ako.

Mahaba habang paliwanagan pa yun pag sumagot pa ko.
.
.
.
.
.
----------

J

"Hoy, ate! Nagmamadali?" panggugulo ni Mafe.

"Bakit ka ba nandito? Di ka man lang kumatok.."

Tong si Mafe nakakagulat, bigla bigla na lang susulpot, naaabala tuloy ako sa pag aayos ng gamit ko.

"Eh bat ka ba parang nagmamadali? Ang aga aga pa. Mall muna tayo nila mama bago ka bumalik ng Manila."

"Ehhh nagpaalam na ko kina mama na maaga ako aalis."

"Ang daya mo naman ate Jema. Kala ko ba mag mamall muna tayo.."

"Bawi na lang ako sayo sunod na uwi ko o pag lumuwas ka ng Manila sa enrollment mo."

"May date kayo ni ate Deanna no?"

"Hmmm.. Wala pa naman siyang sinasabi.."

"Eh wala pa naman palang sinasabi si ate Deanna eh. Tara na ate, mall muna tayo.."

At biglang tumunog ang phone ko...

Deanna is calling...

"Hello, baby.. I'll see you later after my class ah?" bungad agad ni Deanna pag sagot ko ng phone..

Hindi nga siya nag reply sa text ko pero tumawag naman siya para sabihing magkikita kami mamaya. Kahit bago pa lang kami full of surprises na si Deanna.

"Okay, baby.. I'll see you later.. Paalis na ako dito sa Laguna.. Study hard po.. I love you!" malambing kong sagot.

"I love you too din po. Take care, baby. Bye.."

It was a brief call but sweet..

"Okay, ate.. Di na kita pipilitin.. Next time na lang tayo lumabas."

"Bawi ako sayo next time bunso.."

"Sure, ate.. Ikaw pa.. Malakas ka sakin.."
.
.
.
.
.
----------

StillsWhere stories live. Discover now