Lost

503 38 11
                                    

D

December 30, 2028
Mckinley Hill
BDL's Residence

I stepped out of the car. I can already hear the loud music playing from here.

It's been a long while since I last saw my favorite people.

Everyone just planned out of nothing to just have a mini reunion before the year ends.

And of course, sino ba ang laging host ng ganitong get together since college. Bea, of course. Siya lang naman 'tong may malaking place that everyone can fit.

Parang 2 years ago na since I last saw them. Si Bea din yung huli ko nameet, then, I got busy with everything. Hindi na ako nakakasama sa mga meet up o random gala nila. One reason is I travel a lot for work and business.

Luckily, I was notified agad with Bea na may mini reunion nga. So, I had the chance to free my whole week hanggang first week of January next year. Usually, kahit ganitong holidays busy ako because my other business involves shipping and deliveries, kaya mas busy pag holidays.

But, from judgement from here sa labas pa lang ng bahay, mukhang hindi naman to mini reunion. I can hear loud noises aside from loud music.

Tinignan ko muna tong buong facade ng bahay ni Bea, ang laki kasi. Ang dami na ding nakapark na kotse.

I guess, everyone is here. Well, sabi lang naman kasi niya sakin everyone is coming, di na ko nagtanong kung sino sino. At hindi daw pwedeng wala ako. May pagbabanta pa talaga  eh.

Pasok ko sa loob, ang dami na nga nila dito. Binati nila ako isa isa at niyakap. Iiyak na ba ko?  Nakakamiss pala tong mga to. I feel the college vibes.

Goosebumps!

Surreal!

Then, someone grabbed me at my side at umakbay sakin.

"Oh, tama na yan, tama na. Let Deanna eat first." si Bea pala.

Paano ba naman, parang ayaw na kong bitawan nitong mga dati kong teammates from Ateneo and pro league, of course. Nandito din mga dati teammates ko nung pro league.

Dinala ako ni Bea hanggang kitchen. Mas tahimik dito.

"Deaaannnnsss!" It's Pongs.

She jumped from the high chair at yumakap agad pagkakita sakin.

I don't know how to react, masyado pa kong na ooverwhelm from everyone's reaction sa may living room kanina, ngayon ko naramdaman na miss na miss ko pala sila.

"Oh, bitaw na, Pongs." hila ni Bea sa kanya.

"Bea naman eh! Namiss ko lang si Deanna."

"It's okay, Bei." there, I can finally speak. Namiss ko makita yung bangayan nilang dalawa.

"Let's eat, Deans. I waited for you ah bago ako kumain. Pero mukhang nauna na tong si Ponggay kainin yung para satin."

Sabay hampas ni Pongs kay Bea. Haha. Well, nothing change. Ganito pa din silang dalawa.

Arrggghhh! God, I miss this!

"I miss you, guys. Di pa rin kayo nagbabago." I tried to sound happy but my voice cracked.

Masyado akong na-overwhelm. I really miss everyone pala.

"Hey, dude! Naoverwhelm ka ba masyado? Okay lang yan, mas namiss ka namin. This is all for you, kaya nga nag set kami nito eh." Bea pulled me and tapped my shoulder.

"Wag kang iiyak, Deans ah. Kami lang to na di mo kinita ng dalawang taon." huhuhu, nangunsensya pa tong si Ponggay.

Model ba talaga tong si Ponggay? Pag nakita ng mga manliligaw niya kung paano kumain, matuturn off lang. Punong puno yung plato niya ng kung ano anong food eh.

StillsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon