Surge

1.1K 66 10
                                    

J

Ring!

Ring!

Ring!

Ring!

"Jema... Jem..."

"Hmmmmm..."

"Tumatawag papa mo."

What?!

"Arrrgghhh! Shit!" napabangon ako bigla!

Anong oras na?!

"Sagutin mo na to, luto lang akong breakfast natin." abot sakin ni James ng phone ko, bumangon na siya at dumiretso sa kusina.

Napahawak na lang ako sa ulo ko. Patay ako nito.

"Hello, pa..."

"Jema, nasaan ka na? Kanina ka pa tinatawagan ni Kyla."

"Yes, pa. Yes, on the way na ko." kahit di naman.

"Anak naman, ayusin mo naman. Oo nga, magkaibigan kayo ni Kyla pero business is business. Sige na, mag ayos ka na dyan at bilisan mo na. Bye."

Haaaaayyy...

Tumayo na ko at nagbihis agad. Ang dami na palang message at missed call ni Kyla sakin.

Dali dali ko na ding kinuha ang bag ko at lumakad papunta ng pinto.

"Jema, aalis ka na?" Breakfast muna tayo, maluluto na to, saglit lang."

"No, James. Late na ko, I have to go." dali daling lumapit si James sakin mula sa kusina.

"Jema, ano kasi ahmmm..."

"Sorry, James. Ayoko talaga ng commitment, you know that, right?"

"Ahhhmm, right. Okay, Jema. I'll see you around?"

"Hmmm, we will see. Bye." then, I went out.

----------

D

"Babe, papasok ka talaga? Ang lakas ng ulan oh, may bagyo."

"Yes, babe. Need ko talaga tapusin yung mga report ko bago ako mag leave. Alam mo naman yun, babe di ba?"

Need ko talaga tapusin muna lahat ng reports ko para di ako matambakan ng trabaho pag balik ko.

Red light.

Jen looked at me and smiled.

"I just love your smile, babe..."

"Finally, after everything. Nandito na tayo. Natanggap din nila."

"Ikaw babe, nag sesenti ka na naman. Nandito na oh, tanggap na nila tayo. Mas excited na nga sila kesa satin." I pinched her cheek.

"Di ko lang kasi talaga lubos maisip na sa dami ng hirap natin non, lalo na sa parents mo."

"Sshhhh... I love you, Jen!" I kissed her quick.

"I love you too!" she replied.

Pag tapat namin sa office ko, nag bilin muna siya sakin bago ako bumaba. Hinatid niya ako dito sa office.

"Sunduin kita babe ng 5pm ah." pahabol niya pa pag baba ko ng kotse.

"Yes, babe. Ingat ka, umuwi ka na agad after mo sa grocery ah."

"Okay, I love you."

"I love you too..."

----------

J

"Jema naman, nasaan ka na?" inis na tanong ni Kyla pag sagot ko ng tawag niya.

"Eto na, kakalabas ko lang ng banko, ang haba ng pila eh."

StillsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon