Dare and Dare

1.4K 48 15
                                    

D

"Hoy, tara! Tara! Form a circle, guys! Laro na tayoooo..." Aya ni Ponggay pag pasok nila ulit ng unit.

Kasama niyang lumabas si Bea, bumili sila ng maiinom ulit. Sa totoo lang, ayoko na uminom. Nahihilo na ko at ramdam ko na ang tama sakin. Namamanhid na ang pisngi ko.

Umayos na kami ng upo lahat dito sa sahig, umupo kami ng pabilog. Kami kami lang naman ang magkakasama, ako, Ponggay, Bea, Maddie, Kath at si Cui na dati naming batchmate nung college pero lumipat kasi siya ng school.

Nilapag ni Bea sa gitna namin lahat ng inumin at pagkain na binili nila.

"Ano yan? Ang dami naman nyan? Kala ko ba konti na lang bibilhin niyo?" tanong ko.

"Shhhh! Daming reklamo, Deans... Ngayon ka na nga lang sumama samin.." tinakpan pa ni Maddie ang bibig ko..

"Yeah, Deans.. Make bawi naman saming mga friends mo.." Kath.

Isa isa na nilang binuksan yung mga bote ng alak at pulutan.. Grabe.. Konti na lang babagsak na talaga ako..

"Kaya mo yan, Deans. Bawi bawi din samin, puro na lang jowa." tinapik tapik pa ko ni Bea sa balikat.

"Tama na yan.. Let's play na muna..." Pongs at naglagay siya ng empty bottle sa gitna namin.

"Ano namang lalaruin natin?" tanong ni Cui.

"Spin the bottle with a twist.." sagot ni Pongs.

"Spin the bottle na naman, tas ung twist truth or dare. Luma na yan, Pongs! Iba naman.." reklamo ni Kath.

"Iba to kasi, di ako pinapatapos eh..." Pongs.

"Iexplain mo na ng maumpisahan na natin..." sagot ko.

"Spin the bottle, tapos ang twist dare and dare, bawal mag pass din.. Kahit anong dare dapat gawin.." paliwanag ni Ponggay.

"Grabe naman yan, pano kung di talaga pwede gawin yung dare for some reason di ba.." reklamo ko.

"Ang kj mo, Deans. Tayo tayo lang naman to.. Tara na, game..." pagpapatigil sakin ni Bea.

Wala na kong nagawa pa, lahat naman kasi sila pabor dun sa rules na binigay ni Pongs..

Napakasimple lang talaga ng rules, kung sino ang tatapatan ng rim ng bote siya ang gagawa ng dare na ibibigay ng huling gumawa ng dare.. At bawal mag pass..

Nakailang ikot at dare din kami, napapadami na ang inom namin, lahat kami may mga tama na at lasing. Nung una okay pa yung mga dare puro nakakatawa at tamang trip na dare. Pero neto mga huli ang seseryoso na ng mga dare.. Parang nahaluan na din ng 'truth'.

Si Bea na ang magpapaikot ng bote.. Ang tagal huminto ng bote..

"Woooohhh! Sino naman kaya ang tatapatan? Hahaha.." tuwang tuwa tong si Bea, lakas trip na eh..

"Shoot! Ako na naman!" reklamo ni Kath.

"Trip ka ng bote, Kath! Hahaha.." pang aasar ni Maddie.

Nagtawanan naman kaming lahat.. Kanina pa kasi natatapatan si Kath. Siya na ata ang may pinaka maraming nagawang dare..

"Kiss the bottle na lang, Kath haha para tantanan ka na nyan haha.." pang aasar ni Cui.

"Yeah, Kath, you should kiss the bottle hahaha.." dagdag pa ni Pongs.

Natatawa na lang ako dito sa pwesto ko. Ayoko na masyado mag gagalaw. Nahihilo na talaga ako.

"Fine! What's your dare, Bei? Kahit ano pa yan..." hamon ni Kath.

StillsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon