Carversation

1.6K 86 22
                                    

J

"Stop calling na, please. Sige na, nakasakay na ko."

Eto ayoko sa grab share eh. Wala akong choice sa makakasama ko sa loob. No choice lang ako.

Sa magkabilang dulo kami nakaupo dito sa likod. Kami lang ang pasahero ni ateng kakasakay lang.. Babae din yung grab driver. Bata pa nga ata eh. Kaedaran ko lang siguro to.

Haaaay... Dusa! Ang traffic pa dito sa SLEX. Uwing uwi na ko ng Laguna, pero kainis sa kasamaang palad papasok palang kami ng C-5.

Wala pa ko sa katotohanan..

Pipikit na sana ako kaso putek ang lakas ng volume ng phone netong katabi ko.

Pinatay niya agad ata yung call.

Pero putek ulit! Nakailang tawag sa kanya at pinapatay lang niya. Di man lang nakaramdam na hinaan na lang yung volume eh. Nakakaistorbo!

"Ano ba?! Di ba sabi ko stop calling me. We're done.. Tigilan mo na ko.." sagot niya sa tumawag sa kanya.

Grabe naman.. Di man lang kausapin ng maayos. Cute sana kaso parang ang sama ata ng ugali.

Kala ko makakatulog na ko. Pero shit naman! Ang ingay na naman ng phone niya..

Jusko! Naiinis na ko! Pagod na pagod na ko tapos ang traffic pa, imbes na makatulog sana ako ang ingay pa nitong nakasabay ko.

"Miss, pwede paki hinaan na lang yung volume ng phone mo. Kung mag aaway kayo ng boyfriend mo pwede mamaya na lang.. Nakakaistorbo eh." nainis na ko sa ingay.

"What? Not boyfriend, ex girlfriend. Sunget!"

Aba! Siya pa may gana mainis. Eh siya tong maingay.

"Ikaw pa may gana mainis, ikaw tong maingay.."

"Daming sinasabi, hininaan ko na nga.. Mind your own business na nga lang."

Kainis to ah.. Napipikon ako..

"Bwiset!" bulong ko.

Sa bintana na lang ako humarap.

"Anong sabi mo? Bwiset ako?"

Kainis naman.. Nagrereact pa! Talas naman ng pandinig nito.

"Whatever, miss.. Ayokong makipag away."

"Pssss.. Single siguro to."

Bwiset na to! Lakas maka comment sa buhay ko kala mo naman kilala niya ko talaga.

"Di ako single no!" humarap na ko sa kanya. Single naman talaga ako, nakakainis lang kasi tong nakasabay ko eh, lakas maka comment sa buhay ko!

Kung gusto niya ng away, pwes ibibigay ko sa kanya.. Wala akong paki kahit cute siya!

"Kung di ka single, bakit ang sunget mo? Ano nag memenopause ka na agad? Haha.."

Bad trip! Pinagtawanan pa ko!

"Mga ate.. Feel free to fight pero paki hinaan lang po. Mahaba haba pa byahe po natin." nagsalita bigla yung grab driver namin.

"Istorbo ka, pati tuloy si ate nadadamay sa kaingayan mo!" inis na talaga ako pero hininaan ko na ang boses ko. Bulong na lang pero inis pa din.

"Ikaw lang naingayan, di nga nag comment si ate kanina eh." pabulong na din siyang sumasagot sakin.

"Whatever. Ayaw na kita kausap. Gusto ko magpahinga muna." tinalikuran ko na siya. Sa bintana sa gilid ko ulit ako humarap

"Miss, sorry.. Wag ka na magalit sakin. Nakakainis lang kasi yung ex ko eh.."

Di na ko sumagot. Bahala siya kung anumang dahilan niya. Basta wag na siyang mag ingay.

StillsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon