Us

828 28 17
                                    

2024

J

"Ano ba kasi talagang nangyari sa atin, Jema?"

Hindi ko alam na makakausap ko pa pala siya. Everytime na may ganitong mga gatherings na alam kong we will be in the same room, nakasanayan na naming iwasan ang isa't isa.

Basta nasanay na lang ako na alam kong nandyan siya pero mag ppretend na lang ako na parang di siya nag eexist, at alam ko namang ganon din siya sakin.

And, I don't know how we found ourselves here. Just here, at the back of her truck. Nakatingin lang sa kawalan. Trying to find answers to the questions left unanswered.

"Aling parte ba don yung tinatanong mo, Deanna?"

Tinitignan tignan ko siya sa gilid ng mga mata ko, ayokong makita niya na tinitignan ko siya. Nakatingala pa din siya sa langit, na para bang dun bababa yung sagot sa tanong niya.

"Yung atin, Jema. Di ba sabi mo hindi mo ako iiwan?" she looked at me.

Nakita ko ng malungkot yung mga mata niya pero mas malungkot yung nakikita ko ngayon sa harap ko.

"At nung sinabi ko yun, tinupad ko naman sa abot ng makakaya ko, di ba, Deanna? Hindi kita iniwan."

"Pero hindi mo ko ipinaglaban hanggang dulo."

"Pinaglaban ko naman, di ba?"

"But, why did you stop fighting for me, for us?"

"Kasi---" I paused for awhile. Hindi ko alam paano sasabihin sa kanya kahit ilang taon na yung lumipas. Ayoko siyang nasasaktan pero alam kong ako ang laging dahilan bakit nasasaktan siya.

"Kasi, Deanna... Napagod ako, hindi ko sinasadya. Kaya ko naman ilaban, pero bigla na lang akong napagod at naubos."

Dapat hindi na ako umiiyak, di ba. Kasi ang tagal na pero sa tuwing naiisip ko yung mga panahon na bumitiw na ako, nung binitiwan ko yung mga pangako ko sa kanya, nasasaktan pa din ako para sa aming dalawa at para sa mga pangarap naming hindi na matutupad.

"Bakit hindi mo sinabi, Jema? Nasa tabi mo lang ako non, Jema."

"Gustung gusto kitang kausapin. Kaso hindi ko alam kung paano. I'm so sorry, Deanna... Patawarin mo ko."

"Sayang, Jema eh. Sayang... Yun na yung lahat sakin, binigay ko na lahat sayo, kasi akala ko ikaw na. Wala na ata akong kayang mahalin ng tulad ng pagmamahal ko sayo."

The last words shattered my heart.

"Wag mong sabihin yan, Deanna. Habang buhay ko na lang sisisihin ang sarili ko pag nangyari yan. May darating para sayo, yung mas mamahalin ka at hinding hindi ka na sasaktan."

"That's easy to say, Jema. Kasi nakita mo na yung para sayo. Pag sinaktan ka niya, Jema, kukunin talaga kita at hinding hindi na kita hahayaang umalis."

"Hindi niya ko iiwan, Deanna."

"I know, Jema. I know. Pero hihintayin pa din kita, I have my entire life to wait for you."

"Please, Deanna. Wag mong gawin sa sarili mo yan."

"So, you're not coming back with me? In this lifetime, Jema?"

"Ayoko na lang saktan ka ulit, Deanna. What I can promise you is... I'll find you in my next lifetime."

"I'll be waiting for you here, Jema."

"And, I promise, hinding hindi na kita ipapatalo."

"Okay, then, Jema..." nakita ko ding sumilay ang mga ngiti sa kanya mga labi at mga mata.

"Dun hindi na natin kailangan pang ipaliwanag sa iba yung pagmamahal natin."

"Dun, Jema, araw araw na tayong uuwi sa isa't isa ng walang pangamba."

"At doon, wala ng mga taong nakabantay sa bawat kilos at galaw natin."

"Doon, malaya na tayo, Jema." tapos humarap siya sakin at niyakap ako ng mahigpit.

"Unto the next lifetime, Jema. I'll find you too, kahit saan pa yan, hahanapin kita, Jema." her little sobs made me cry hard.

In another life, Deanna. In another life.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 05, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

StillsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon