Dark Room

1.2K 86 33
                                    

J

"Problemado ka ata, Jema?"

"Medyo, Ky."

"Sasabihin mo ba o huhulaan ko? You know, I'm your best friend, Jema."

"Hindi ko alam paano pagkakasyahin tong sahod natin at yung kinita ko sa mga raket ko sa gastusin namin ngayong buwan."

"Nagkakasya naman dati di ba?"

"Dati. Pero di ba nawala na yung isang raket ko. Tapos ngayon natanggalan pa ng scholarship si Mafe. Ang mahal pa naman ng tuition niya."

"Eh di ilipat mo sa mas murang school si Mafe."

"Gaga, bes. Isang taon na lang ga-graduate na kapatid ko."

"Pano yan, Jema? Wait, eto."

"Naku, bes.. Wag na, kailangan mo din yan."

Ayoko ng tumanggap pa ng tulong kay Kyla. Sobra sobra na yung mga natulong niya sakin. Alam ko namang pati siya may sinusuportahang pamilya.

"Hmmm.. Bes, pamilyar ka ba sa Dark Room?"

"Dark room? Madilim na kwarto?"

"Haha.. Sira, Jema! Dark Room, app yun, Jema. Pero konti lang ata nakakaalam non. Saka medyo mahirap kasi makapag register dun. Di lahat nakakapasok."

Nacurious akoooo.. Ngayon ko lang narinig yun.

"Baka naman kasi illegal yan."

"Actually, hindi. Kilala mo si Mia di ba? Yung sa HR."

"Oh, anong meron sa kanya?"

"Nakapasok siya sa Dark Room. Sa kanya ko nga nalaman yun eh."

"Anong meron sa Dark Room na yun?"

"Well, tinanong ko siya kung ano nga yon. App yun, mag reregister ka, email and password lang. Pag sinwerte ka daw na makapasok, papipiliin ka ng app kung 'Keeper' o 'Fielder' ka."

"Wait. Nalilito ako. Anong pinagkaiba non?"

"Pag keeper ka, pwede kang mamili ng fielder. Yung mga keeper yung nagbabayad sa mga fielder. Gets mo, Jema?"

"At yung fielder? Anong ginagawa?"

"Ganito, Jema. Para siyang app sa mga taong gusto ng kausap, kasama, in short, para sa mga taong mag isa o malungkot ganon."

"Ang weird naman ng app na yan, Ky."

"Angas kaya, pag fielder ka kikita ka by just sitting and talking to someone. Yun lang gagawin mo."

"Seryoso ba?"

"Oo nga, pinagkakakitaan nga ni Mia yun eh."

"Paano? Nakikipagkita siya sa mga nandun sa app?"

"Oo. Ganon ka simple. Makikipagusap lang daw siya, minsan kakain sila, coffee ganon. Tapos babayaran ka ng mga keeper na makakausap mo."

"Hindi ba nakakatakot? Para palang dating app yung datingan. Imemeet mo eh."

"Not actually, Jema. Basta ang hirap kasi ipaliwanag. I-search mo. Interesting yun. Gusto ko nga sana itry kaso, shet, denied ako. Judgmental ata handler ng app na yun haha."

"Haha, bat mo naman nasabi yan?"

"Puro may itsura ang gusto isali hahaha."

"Loka loka!"

"Try mo dali, Jema. Ngayon na haha. Malay mo."

Wew ang kulit ni Kyla pero nacurious talaga ako. Umupo kami sa bench. Inopen ko yung phone ko at dinownload na yung app.

StillsWo Geschichten leben. Entdecke jetzt