Alumni Homecoming

1K 52 15
                                    

D

"Ang cute niya no?" nagulat ako sa biglang tumabi sakin dito sa gazebo. Si Celine lang pala..

"H-ha?"

"Sabi ko ang cute niya di ba? Yun ohhh.. Yung kanina mo pa tinitigan.."

Napaayos na ko ng upo. Mag ddaydream na lang ako may istorbo pa.. Kala ko pa naman makakapag aral ako dito.

"A-anong tinitignan? Nag aaral ako dito.." pinagbubuklat ko yung mga libro ko..

Kukulitin na naman ako nitong best friend ko naku..

"Akin na nga yan.. Di ka naman nag aaral talaga.. Nakatitig ka kaya kay Jema.. Kanina pa ko nasa harap mo no.. Kitang kita ko pano ka matulala.."

Bwiset na yan.. Bakit ba di ko to napansing dumating..

"Bakit ka ba nandito? Saka pano mo nalamang nandito ako?"

"Well, naamoy kita! Hahaha.."

"Ano ka aso, ha?" hinampas niya ko sa braso..

"Aray! Ang sakit, Ced! Makahampas ka kala mo ang gaan ng kamay mo.."

"Makasabi ka kasi ng aso sakin.."

"Sabi mo naamoy mo ko? Eh di aso ka nga..."

"Alam mo, kahit nasaan ka mararamdaman kita.. Best friend mo ko no! Magkaibigan na tayo uhugin ka pa lang.."

"Ewan ko sayo.. Nang gugulo ka na naman. Wala ba kayong training?"

Matagal na kaming mag best friend ni Celine. Since birth? Haha.. Magkababata kasi yung mommy namin. So, lumaki kaming magkasama lagi, at para na din kaming magkapatid since pareho kaming only child.

Mula preschool hanggang eto college, magkasama kami ni Celine. Ngayong college lang kami hindi magkaklase. Magkaiba kami ng course na kinuha at saka pumasok siya sa varsity, pero putek kahit saan ata ako magtago dito sa school nakikita niya ko. Malapit na talaga akong maniwala na may pagka-aso tong best friend ko.

"Mukha ba kaming may training? Ayan nga yung captain namin di ba? Ayan oh yung kanina mo pa tinititigan.."

Oo na.. Kanina ko pa siya tinitignan, ang simple niya lang pero ang ganda niya. Yung mga ngiti niya haaay.. Kahit kinakausap lang niya yung mga kaibigan niya ang lakas ng dating niya.

Tinakpan ko bigla yung bibig ni Celine. Napaka ingay! Nasa harap lang namin yung captain nila. Si Jema
yung captain ng volleyball team dito sa school namin.

At grabe... Ang ganda talaga niyaaaaaa...

"Ang ingay moooo!"

"Aray, Deans! Ano baaaa..." arrrggghhhh kinagat niya yung kamay ko..

"Bwiset ka, Ced! Kinagat mo pa ko.."

Pero fookt! Palapit si Jema sa pwesto namin.. Narinig ata niya kaingayan namin dito..

"Hey, Celine... Nandito ka pala. Pinag uusapan namin yung schedule ng practice natin. Tara sama ka, para walang conflict sa mga schedule natin."

Haaay, ang lambing naman ng boses niya..

"Sure, captain.. Ah, capt.. Best friend ko nga pala.. Si Deanna.." what? Celine? Di ako ready..

"Hello, Deanna.. Nice meeting you. May best friend ka pala dito, Celine." bakit ang ganda ng mga mata niya...

"Ah, oo.. Masyado kasing mahiyain to ehhh.." umakbay pa sakin si Celine. Pero ako parang natulala na naman kay Jema.

"Hoy, Deanna.. Wag kang tumulala dyan.." bulong sakin ni Celine.

StillsWhere stories live. Discover now