Rendezvous

1K 58 6
                                    

J

"Hello, Jema."

"Yes, Love? Nasaan ka na?"

"Love, magkita tayo dun sa pinagusapan natin lugar ha? I'm just packing my things. Ready ka na ba?"

"Oo, Love. Nakapag impake na ko. Papunta na ako."

"Okay, Jema. Mag ingat ka. Dun kita susunduin ha? Antayin mo ko. Dadating ako."

"Sige, Love. Please, take care. Hihintayin kita."

We ended the call.

Hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ko pero pumayag akong sumama kay Deanna. Wala na kaming choice. Ayaw naming maghiwalay.

Nang nalaman ng parents niya yung tungkol saming dalawa, galit na galit sila kay Deanna at lalo na sakin. Inuwi agad nila si Deanna sa Cebu kahit ayaw ni Deanna.

Pero kahit magkalayo kami, di namin hinayaan na maputol ang komunikasyon namin sa isa't isa. Last week, kinausap ako ni Deanna at tinanong niya ko kung payag ba akong sumama sa kanya. Hindi na niya kayang magkalayo kami at yung parents daw niya pinipilit siya sa anak ng kababata ng daddy niya.

Hindi na ko nag isip, umoo agad ako sa plano niya. Lalayo kaming dalawa. Magsasama kami at pupunta sa lugar kung saan malayo sa kanilang lahat. Bahala na. Madaming tumatakbo sa isip ko.

Kaya ba naming mabuhay ng kami lang?

Kaya ko bang buhayin si Deanna? Kasi hindi pa siya gumagraduate, may isang taon pa siya sa college. Ako naman isang taon palang akong nagtatrabaho. May ipon ako pero hanggang kailan sasapat to saming dalawa.

Bahala na.. Ang importante muna ngayon ay ang magkita kami, ang makalayo muna kami.

Nakarating na ako sa lugar na sinabi niya. Ang huling text niya sakin nakaalis na siya at papunta na. Pumasok muna ako sa loob ng cafe, dito kami laging nagkikita nung okay pa ang lahat. Ipinatong ko sa upuan sa harap yung dala kong backpack at sa gilid ko naman yung maliit na maleta na dala ko.

Umorder muna ako at nagtingin tingin sa labas. Gusto kong makita si Deanna agad pagdating niya.

...

...

...

Nakadalawang order na ko ng milkshake pero wala pa din siya. Sinubukan ko siyang tawagan pero hindi niya to sinasagot. Nagsisimula na kong mag alala, mahigit isang oras na ko dito. Dapat nakarating na siya.

Kinalma ko ang sarili ko. Darating si Deanna, maghihintay pa ko. Tumingin lang ako sa labas. Wala pa din siya.

Unti unti ng bumagsak ang mga luha ko. Nasaan ka na ba, Deanna? Sabi mo dadating ka. Kanina pa ko naghihintay dito.

Isang oras..

Dalawang oras..

Hanggang sa hindi ko na alam kung ilang oras na kong naghihintay dito pero wala pa din siya. Tinawagan ko siya pero hindi na siya macontact. Napayuko na lang ako sa sobrang sama ng loob ko. Iniyak ko na lang ang lahat.

Bakit hindi siya dumating? Bakit...

Hanggang sa maramdaman kong may humawak sa likod ko.

"Ate, tara na. Uwi na tayo." lalo akong napaiyak.

StillsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon