Call

1K 52 32
                                    

D

"Kuya, nandito po ba si Jema? Please kuya, tell her na nandito ako oh.."

Desperado na ko. Kailangan kong makausap si Jema. Nandito ako sa baba ng dorm nila, kausap yung guard.

"Naka log in siya. Pero may note siya dito na hindi muna siya tatanggap ng bisita."

"Kuya, paki sabi po nandito si Deanna Wong. Bababa po yun pag nalamang nandito ako."

"Sige, teka tatawag lang ako sa room nila. Upo ka muna dun. Deanna Wong tama ba?"

"Opo, kuya."

"Sige, upo ka muna dun."

Nag antay pa ko ng ilang minuto, tinawag ulit ako ni kuya.

"Wong, lika.."

"Bababa na po ba si Jema?"

"Umuwi ka na daw. Di daw siya bababa."

"Po? Kuya, ang layo pa po ng pinang galingan ko.. Galing pa po akong Katipunan. Baka pwede ko siyang puntahan sa room niya."

"Naku, di pwede.. Bawal. Saka anong oras na lagpas na ng visiting hours."

"Sige na kuya oh. Kailangan ko talaga siyang makausap."

"Pasensya na. Di talaga pwede. Balik ka na lang o kaya tawagan mo na lang."

"Sige po, kuya.. Salamat po."

Lumakad na ko palabas ng dorm nila. Kailangan ko ng lumabas. Magla-lock na sila ng gate.

Sumandal na lang ako dito sa labas ng kotse ko.. Hinazard ko na muna yung kotse. Highway na kasi tong labas ng dorm nila Jema dito sa Adamson eh. Ang dami pa namang dumadaang truck. Mamaya mahagip kotse ko, itim pa naman.

I dialed Jema's number..

But, she's not answering.. Binababa pa niya.

Ilang beses kong sinubukan.. And finally, sinagot na niya.

"Jema, please talk to me naman. Nandito ako sa labas ng dorm niyo."

"Umuwi ka na, Deanna."

"Can we please talk first?"

"Di na ko pwede lumabas. Gabi na umuwi ka na."

"Di ako aalis dito hanggat di mo ko kinakausap."

"Ano pa bang pag uusapan natin?"

"Lahat, Jema. Ang labo mo naman eh. Bigla ka na lang nakipagbreak sakin sa phone pa. Anong klase yun?"

"Deanna, please, sinabi ko na sayo ang dahilan. Tama na yun."

"Please naman, Jema. Harapin mo naman ako, tapusin mo naman ng maayos to oh."

"Umuwi ka na please, Deanna. Marami pa kong tinatapos na requirements ko sa school."

"Sa lahat ng ginawa ko, kahit eto lang Jema, harapin mo naman ako oh please.."

"Di ko kaya, Deanna. Baka pag nakita kita, di ko na mapanindigan yung desisyon ko. Natatakot ako."

"Jema, please, hihintayin kita dito.."

"Please, Deanna umuwi ka na lang.. Di ko kaya, mahihirapan lang ako lalo pag nakita kita.. Please let go of me, Deanna."

"Ayusin mo naman ang pakikipaghiwalay mo sakin oh. Ayoko magalit sayo, Jema.. Mahal na mahal kita."

"Tama na, Deanna.. Ibababa ko na to.. Umuwi ka na.."

"Jema, please.. Harapin mo naman ako tatanggapin ko lahat, kausapin mo lang ako please.."

"Sorry, I can't. Sabihin mo na lang dito yung gusto mong sabihin. Sorry, Deanna."

"Jema... Maawa ka naman. Harapin mo ko. Tapusin natin ng maayos to."

"Deanna, please tama na. Tutal dito din naman nagsimula lahat sa text at patawag tawag mo sakin non, dito na lang din natin tapusin ang lahat. I'm sorry, Deanna."

"Apat na taon tayo, Jema.. Pero ganito mo lang tinapos lahat. Akala ko mahal mo talaga ako.. Ibabalik ko sayo lahat ng pinaramdam mo sakin ngayon!"

I ended the call..

----------

🙋

Shortest one-shot.

But, this is based on a real-life conversation.

StillsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon