Revenge

1.1K 60 20
                                    

J

"Gago naman pala yang ex mo, Chiara eh! Sino ba yan? Di mo naman kasi pinakilala samin eh!" G na G naman tong si Bern mag react.

Nandito kami sa loob ng bar. Nagyaya bigla si Chiara magkita kita kaming magkakaibigan.

"Easy ka lang Bern, galit na galit? Sayo nakipag break?" nagsalita na ko.

"Nakakabadtrip kaya! Nakipagbreak siya ng ganon lang? Tapos biglang may bago na agad. Kagaguhan lang.." sagot sakin ni Bern.

Si Chiara, iyak pa din ng iyak.. Nakayakap lang siya kay Thang. Pinapakalma lang siya nito at ni Eli.

"Tara resbakan na natin yan! Ano ba pangalan, Chiara? Ako bahala mag track kung nasaan yang gago na yan." hay naku, isa pa tong si Fhen eh.

Isa pang di nag iisip. Inuuna agad ang init ng ulo. Di man lang alamin kung anong nangyari talaga.

"Guys, chill lang kayo.. Parang gusto niyo na agad patayin yung tao." sagot naman ni Thang.

"Chiara, tama na yan.. Sino ba yang ex mo? Di man lang namin alam." tanong ko.

"Eh kasi naman eh, sasabihin ko naman, gusto ko sana personal kaso lagi siyang busy hanggang sa eto na, nakipagbreak bigla." sagot ni Chiara.

"Eh sino nga yung ex mo?" si Eli naman ang nagtanong.

Lahat kami nag aantay ng sagot ni Chiara.

"Si Deanna. Deanna Wong.."

Sounds familiar yung name..

"Deanna Wong? Parang familiar, Bern no?" Fhen.

"Tang ina! Panong di magiging familiar, come on, Fhen. Nagka amnesia ka na? Di ko makakalimutan yang pangalan na yan!"

Ano ba pinagsasabi ng mga to?

"Bakit? Sino ba yun?" Thang.

"Kilala niyo si Deanna?" Chiara.

Medyo kumalma na si Chiara. Pati siya nagtataka na kina Bern.

Si Fhen nag iisip pa ng malalim eh.

"Puta! Yung mayabang sa Cove Manila!" galit na galit na naman itsura ni Fhen.

"Tang ina ka! Kala ko nakalimutan mo na eh. Tara, resbak na tayo!" Bern.

"Hoy, kayong dalawa, sino ba yun ha? At galit na galit kayo?" tanong ko.

"Hay, naku, Jema! Ang yabang non.. Di naman namin sinasadya na mabangga yung kaibigan niya non sa bar, kung ano ano ng sinabi samin.. Nag hamon pa ng away eh." sagot ni Fhen.

Mukhang mayabang nga yung Wong pero ayoko mag judge. Minsan oa kasi tong dalawa na to eh. May pagka warfreak minsan.

"Tigilan niyo nga pagka warfreak niyong dalawa, di naman makakatulong yan. Icomfort na lang natin si Chiara." Eli.

May point si Eli, wala namang magandang pupuntahan yang resbak na nalalaman nila.

"Kaya nga, para kayong sira. Naghahanap lang kayo ng gulo." Thang.

"Bahala kayo.. Kung ayaw niyo, kami na ni Fhen ang babawi dun para kay Chiara.." Bern.

"Wag na, Bern. Hayaan niyo na siya.. Ayoko na siya isipin. Baka mapano pa kayo, di niyo kilala mga kaibigan non.." Chiara.

"Tama, kaya pumirme kayong dalawa. Mamaya mapano pa kayo. Di niyo kilala yung tao." dagdag ko pa.
.
.
.
.
.
Lumipas ang mahigit isang linggo simula nung pagkikita naming magkakaibigan sa bar.

StillsOnde histórias criam vida. Descubra agora