Parallel

1.7K 89 20
                                    

J

"Yes! Yes! Yes! Talaga, Jema tayo na?"

"Yes, Deanna baby! Tayo na."

"I promise, di mo pagsisisihan na ako ang pinili mo, Jema!"

"I know.. I made a good choice eh, cute cute mo!"

"I love you, Margarett hihi.."

"Hey, wag mo kasi akong tawagin nyan." hilig akong tawagin ni Deanna sa second name ko.

"Ang cute kaya ng Margarett."

"Ihhh, tunog margarine.."

"Ah basta gusto ko yung Margarett. Tara, Jema! Pakilala kita sa kapatid ko."

Agad???

"Ngayon na, Deanna?"

"Yes, Jema. Matutuwa yun, lagi kitang kinukwento sa kanya eh."

Nahihiya ako. Di ko pa namemeet yung kapatid niya in person. Sa pictures ko pa lang nakita yung kapatid niya. Sabi niya mas matanda daw sa kanya yun.

"Please, Jema? After natin dito sa school?" sabi pa niya.

Deanna and I we're blockmates. First semester palang namin as freshmen kinukulit na niya ko. Mabait naman talaga siya at ma-effort. Pero kasi ayoko pa mag commit non kasi bata pa kami. So, I told her na di ko pa priority yung ganong bagay, naintindihan naman niya.

Pero di siya tumigil manligaw, hinayaan ko lang siya. Hanggang sa dumating na yung araw na to, alam kong this is the right time. 5 days from now, gagraduate na kami. Kinukuha lang namin yung toga namin ngayon.

Matagal ko naman na talagang mahal si Deanna, since first year pa kami. Gusto ko lang talaga muna na makapagfocus kami sa pag aaral namin, maenjoy namin yung college life.

"Baka naman busy yung kapatid mo, di ba gagraduate din yun?"

"Oo, pero wala naman siyang ginagawa na. Nasa galaan na nga lang lagi yun eh. Sige na, Jema. Gusto na kitang ipakilala eh."

Silang dalawa lang ng kapatid niya ang nandito sa Pinas. Yung parents nila nasa Singapore, dun nagtatrabaho, kasama yung bunsong kapatid nila. Matagal na daw nandun yung parents nila sabi ni Deanna, high school pa lang daw sila ng kapatid niya dito.

"Okay, okay.. Sige na, payag na po ako."

"Yey! I'll text her."
.
.
.
.
.
.
Okay, kinakabahan na ko.. We're now here in a cafe waiting for her sister.

"Here's our drinks, babe." pinatong ni Deanna yung tatlong frap sa table. Lalo akong kinabahan, dadating nga talaga yung kapatid niya, tatlo yung drinks eh.

"Deans! Twinny!" bago pa makaupo si Deanna may tumawag bigla sa pangalan niya. Napalingon siya sa entrance ng cafe.

Waaahhh.. Eto na ata yung kapatid niya. Sinadya ko talagang umupo patalikod, kinakabahan kasi ako pero eto na talaga wala ng urungan.

"Hindi mo na kailangang i-announce yung weird relationship natin, halata naman." sabi ni Deanna pag lapit nito.

"Nye, nye.. Hey, hi.. Ikaw na ba si Jema?" this is it, nag angat na ko ng tingin.

Holy molyyyy!

Kahit gulat na gulat ako sa nakikita ko nagawa ko pa ding tumayo at makipagkamay. I never expected this. Oo, sa mga pictures magkamukha talaga sila but god, para silang photocopy ng isa't isa. Walang pinagkaiba, ni walang distinction man lang. Kung di lang sila magkaiba ng suot ngayon baka nalito na ko kung sino si Deanna sa kanilang dalawa. 

StillsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon