Truth and Truth

1.1K 64 19
                                    

J

"I love you, Jema!" naramdaman kong may yumakap sa likod ko.

"I love you too, Deanna.." lalong yumakap ng mahigpit si Deanna sa akin mula sa likod.

"Pasok na tayo sa loob, love.. Gabi na, malamig na dito sa balcony."

Nandito kami ngayon sa Tagaytay.. Dito kami nag celebrate ni Deanna ng 28th birthday ko..

Tamang pasyal lang kanina at kain dito.. Di kasi kami pwede mag celebrate sa malayo, may trabaho kami pareho ni Deanna.

Pumasok na kami sa loob ng condo unit na nirent namin ni Deanna dito. Umupo muna ako sa sofa. Si Deanna pumunta sa ref..

Maaga pa naman para matulog saka di pa ko inaantok.

"Love, I'm hungry.." tawag niya sakin mula sa likod ko.

Lumingon na ko sa kanya. Ang cute niya sa suot niyang hoodie at jogging pants.

kala ko kumuha ng pagkain to sa ref.

"May food sa ref, love.."

"Love, order tayo ng pizza and chicken please.." naku nagpout pa, lalong ang cute..

Namumula mula pa yung pisngi niya sa lamig.. Sobrang lamig na kasi dito sa Tagaytay.

"Lika na dito, love.. Order na tayo."

Lumapit na siya sakin at yumakap..

"Thank you, love!"

Ako na ang umorder ng pizza at chicken na gusto ni Deanna.

"Love, laro tayo habang inaantay natin yung pinadeliver mo." aya sakin ni Deanna.

"Ano namang lalaruin natin, love?"

"May mga board games dun sa ilalim ng tv, love.. Ano laro tayo?"

Ha? Alam naman ni Deanna na wala akong kahilig hilig sa board games eh.

"Di ako marunong ng ganon, love.."

"Oo nga pala.. Hmmm, mag uno na lang tayo? May dala ako sa bag ko non, love.."

"Sige, yun na lang.."

Pumasok saglit si Deanna sa kwarto, pag labas niya dala dala na niya yung uno cards niya.

Natutunan ko lang laruin to dahil sa kanya. Ang hilig kasi nilang maglaro non ng mga kaibigan niya pati ako nadamay na.

Nakailang ulit din kami ni Deanna sa uno bago dumating yung pinadeliver namin.

Sa ilang ulit namin talo ako lagi..

"Love, laro pa tayo?" aya niya ulit sakin.

Ibinaba na ni Deanna dito sa carpet yung dala niyang box ng pizza, bucket ng chicken at dalawang can ng softdrinks.

Dito na kami sa lapag umupo, may carpet naman kaya di ganon kalamig.

"Ehhh love, talo ako lagi sayo.."

"Iba na lang laruin natin.. Hmmm, may alam ka ba?"

Ano namang lalaruin namin? Di talaga ako mahilig sa mga ganito.. Feeling ko nga ang boring kong tao eh.

"Love, wala akong maisip.. Alam mo namang di ako mahilig sa mga ganito."

"Its okay, love.. Alam ko naman at hep, wag mo ng itanong kung nabobored ba ko kasama ka dahil hindi. Mahal na mahal kaya kita hihihi kilig siyaaaaa.."

"Mga banat mo, Wong.. Kaw talaga.. Isip ka na, love."

"Alam ko na, laro na lang tayo ng truth and truth.."

StillsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon