Ruined

1.2K 59 19
                                    

D

Ano ba naman to.. Kanina pa tunog ng tunog ang phone ko.. Ang iingay na naman netong mga kaibigan ko sa group chat..

Haaayyy.. Fuck, Deanna! Where to go?! Gabi na pero ayoko pang umuwi...

Fuck! May request for video call pa tong mga to.. Nag ddrive ako..

"Hooooy! Mga gago, ano na namang trip niyo? Nag ddrive ako!" bungad ko sa kanila..

"Deans!!! Nakita mo na yung picture?" arrrggghhhh.. Ano ba naman tong si Ponggay ang sakit sa tenga ng boses..

"Di mo ba nakikita, Pongs? Nag ddrive ako.. Anong picture?"

"You should see it, Deans! Tignan mo na ngayon nasa gc lang natin.." singit ni Bea sa camera ni Pongs.

"Magkasama ba kayong dalawa?"

"Actually, magkasama kaming apat!" inilayo ni Bea yung camera sa kanila.

Aba tong mga gago, magkakasama pala silang apat, ako lang wala..

"Hi, Deans! Where are you?" its ate Kat..

"Hello, ate Kat.. Magkakasama pala kayo.."

"Yeah, Deans.. And we miss you here.. Asan ka ba?" its ate Maddie..

"Driving.. Don't know where to go.." matamlay kong sagot.

"Punta ka dito, wait ka namin.. Wag mo munang tignan yung gc until you get here.."

"Why, ate Mads?"

"Basta, punta ka muna dito.. Alam mo naman kung nasaan kami di ba, same place, Deans.. Drinks are ready... Byeee.." at binaba na nga ni ate Mads yung video call.

Ano bang meron sa gc? Nacurious tuloy ako bigla.. Gusto ko ng iopen yung gc namin..

Pero bilin ni ate Mads wag ko daw muna tignan.. Hayyy, fine.. Mag ddrive na muna ako..

Same place? Eh sa bar lang naman nila Bea yun.. Mukhang mapapalaban na naman sa inuman.

Pagdating ko sa tapat ng bar, may sumalubong na agad saking security. Kilala na kami dito, lagi naman kami dito since college..

Binaba ko yung salamin ng sasakyan..

"Good evening po, boss Deans.. Dito po tayo." tinanggal na niya yung harang sa nakareserve na parking sa harapan. Nakita ko na ding nakapark yung sasakyan nila Bea.

Ipinark ko na ang sasakyan ko sa tabi ng kotse ni Bea.

Pag baba ko, binati naman ako ng isang guard.

"Boss, nandun po sila sa taas, sa vip.."

"Sige, kuya.. Salamat."

Dire-diretso lang akong pumasok, wala ng tanong tanong at check, kilala naman nila ako. Saka di ka basta basta makakapasok dito kung wala kang reservation, high end at exclusive bar kasi to.

Pag pasok ko sa vip lounge, grabe ang ingay.. Nagkakantahan sila..

"Fuck you, Deans! Come here! Nagpakita ka din samin, dude!" bungad sakin ni Bea habang may hawak na bote ng alak.

Puta, lasing na ba agad to?!

"Deans! Oh my gosh! I miss you, batchy!" patakbo pang lumapit sakin si Pongs at yumakap..

Lumapit na din sila ate Kat at ate Mads.. Niyakap nila ako at kinamusta..

"Tara na, upo na muna tayo.. Anong gusto mo, Deans? Food? Drinks?" tanong ni ate Kat.

"Yeah, Deans.. Minsan lang to, libre lahat ni Bei.." ate Mads.

"Yeah, yeah.. Gutom na nga ako.." sagot ko.

StillsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon