Lost Track

913 58 31
                                    

J

"Jemaaaa! Oh my god! It's so nice to see you again. Ang ganda ganda mo. How are you, Jem?" Bati sa akin ni Jia pag pasok namin ng garden nila.

After so many years, ngayon na lang ulit kami magkikita kitang magkakaibigan. Basta nakatanggap na lang ako ng invitation galing kay Jia, birthday niya ngayon.

"Jiaaaaa! Bigla bigla kang nag iinvite ah. Kala ko wedding invitation, birthday pala hahaha." Sagot ko kay Jia at nag beso sa kanya.

"So, ano na, Jema? Kamusta ka na? Tagal mong di nagpakita." Hinampas pa ko ni Jia sa balikat ng mahina.

"Okay naman ako, Ji. Medyo naging busy lang sa work."

"Grabe yung pagkabusy mo ah, baka naman kaya di ka nagpapakita dahil---"

"Babe... Hey..." Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses. Nandito na si Luke.

Pag lapit samin ni Luke agad siyang humawak sa bewang ko.

"Babe, sa gilid ng gate ko lang pinark yung kotse, okay lang ba dun?" Tanong niya sakin. Tumingin ako kay Jia, nagtataka ang mukha niya.

"Ji, okay lang ba dun kami nagpark?"

"Oo naman. Pinaalam ko na din yun." At pinandidilatan na ko ni Jia ng mata, para bang nagtatanong siya kung sino ang kasama ko.

"Ah, Jia. Si Luke pala, boyfriend ko. Babe, si Jia, batchmate ko nung college."

Binati ni Luke si Jia at nakipagkamay.. Pero alam kong madami ng tanong sa isip ni Jia. Saka na ko mag eexplain, ang tagal ko nga namang di nagpakita sa barkada.

"Let's go, dun tayo sa table. Nandun sila ate Ly, matutuwa silang makita ka, Jema." Aya samin ni Jia. Sumunod na lang kami ni Luke sa kanya.

Si Luke hinawakan ako sa kamay. Alam kong kinakabahan siya, di naman siya sanay sa mga gatherings. Sinama ko siya para makilala na din niya yung mga kaibigan ko nung college na naging parang kapatid ko na din, sila Jia.

Natanaw ko na sila ate Ly sa isang table, pero bago pa kami makarating sa table may narinig akong boses na tumawag sa pangalan ni Jia at hindi ako pwedeng magkamali kung kaninong boses yun.

Sabay sabay pa kami ni Jia at Luke na napalingon sa likod namin. Nagmamadali ito papunta kay Jia, di ata niya ko nakita. Yumakap agad siya kay Jia.

"Ate Jiaaaaaa! Happy Birthdaaaaaayyyy! Late na ba ko?"

Pagka bitiw niya ng yakap kay Jia napatingin na siya sakin...

Gulat na gulat siya pagkakita sakin pero agad din siyang nag iwas ng tingin sakin.

"Ate Jia, here's your gift. Dun lang ako kina Dani." Inabot lang niya yung paper bag na maliit kay Jia at umalis na siya.

"Babe, sino yun?" Bulong sakin ni Luke.

"Jema, tara dun tayo..." Turo ni Jia sa table nila ate Ly

Di ko na nasagot si Luke, sumunod na agad kami kay Jia.

----------

D

"Ate Jia, bakit di mo naman sinabing nandito si Jema?"

"Hindi ko nga alam na dadating siya, kanina lang din siya nag confirm. Nag message ako sayo ah."

Nagtatalo kami ni ate Jia dito sa poolside, malayo sa mga kaibigan namin. Nakakainis kasi eh, para akong tangang gulat na gulat kanina pagkakita sa kanya.

"Ate Jia naman eh, nagdadrive na ko non. Nakakainis naman. Uuwi na lang ako."

"Hoy! Ikaw, Deanna wag kang parang batang nagmamaktol dyan. Umayos ka, birthday ko ngayon at wag kang mag inarte. Sa ayaw at gusto mo papakisamahan mo si Jema at yung kasama niya."

StillsWhere stories live. Discover now