Chapter Two

158 5 0
                                    


NAALIMPUNGATAN ako dahil sa bagay na naramdaman kong sumusundot sa pisnge ko at dahil na din sa mahinang hagikgik malapit sa akin. Halatang sadya ang pagsundot sa pisnge ko dahil sa hagikgik na 'yon. Pigil na pigil kasi ito na animo'y kapag hindi nakapagpigil ay hahagalpak na ng tawa na malakas.

Medyo tulog pa ang diwa ko kaya hirap pa akong magdilat ng mata at medyo antok pa kaya naman nag-iba ako ng pwesto ng pagkaka-higa.

"Hmmm..." iritang ungol ko ng maramdaman nanaman ang pag-sundot sa pisnge ko kasunod ng mahinang hagikgik na animo'y nagpipigil ito na mapatawa ng malakas.

Napakamot na lang ako ng pisnge kung saan ko naramdaman ang sundot na 'yon at sinubukan ulit na matulog ngunit maya-maya lang ay may sumusundot nanaman sa pisnge ko.

"Hmm, ano ba 'yan! Natutulog pa yung tao, eh." iritang usal ko habang nakanguso ang labi bago umayos ng higa.

Rinig ko ang isang hagikgik mula sa kanan ko kaya sinubukan kong idilat ang mga mata ko. Medyo malabo pa no'ng una at isang anino lang ng tao ang nakita ko kaya nagkusot-kusot ako ng mata para luminaw ang paningin ko.

No'ng maayos na ay ibinalik ko ulit ang tingin ko sa anino na 'yon at doon ko nakita ang nakapaweywang na si Seven gamit ang isang kamay habang ang isa naman ay nakasiklop sa kaniyang bibig para pigilang mapalakas ang paghagikgik niya.

Hindi pa masyadong nagpoproseso sa utak ko ang nakita kaya napakurap-kurap pa ako habang nakatingin sa humahagikgik niyang postura. Ngunit nanlaki rin kaagad ang mga mata ko ng pumasok sa isip ko kung sino ang nasa loob ng kwarto ko ngayon.

W-wait?! Teka?! Si seven?!

"KYAAAAAAH! SEVEN, ANONG GINAGAWA MO RITO?" nanlalaki ang mga matang sigaw ko at dali-daling hinablot ang kumot na nakapatong lang hanggang sa beywang ko upang takpan ang buo kong katawan.

Namumula ang muka ko dahil sa hiya at inis dahil naabutan niya ako sa ganitong itsura. Gulo-gulo ang buhok at hindi pa naghihilamos at mukang may tulo laway pa yata ako at mabaho ang hininga dahil kagigising pa lang.

"HAHAHAHAHA!"

My eyebrows twitch when he start laughing his ass off kaya naman dali-dali kong dinampot ang unan na nasa tabi ko at ibinato 'yun sa kaniya pero ganun na lang ang pagkadismaya ko dahil mabilis niyang naiwasan 'yon.

'How can I forget that this man has a nice reflexes?' nakangiwing tanong ko sa aking isipan at blankong pinukulan ng tingin si Seven.

"What are you getting so worked out about? Parang nakita lang naman kitang matulog, eh." natatawang tanong nito na ikinasalubong ng kilay ko at ikinapula ng pisnge.

"This is a girl's room, sev! P-paano na lang kung... Kung naka-undies lang ako habang natutulog t-tapos... Tapos pumasok ka ng ganon-ganon na lang?" nakakandabulol-bulol sa kabang usal ko dahil sa taranta. "Tsaka, bakit hindi mo 'ko ginising kaagad at pinanood pa akong matulog? Nakakahiya ang itsura ko sev!" maktol ko pa habang bahagya pang nauutal-utal bago parang bata na nagkakawag sa ibabaw ng sariling kama.

Nakakahiya at nakakaloka! Naabutan pa niya ako sa ganitong sitwasiyon. Ano na lang ang iisipin niya sa'kin? Na muka akong losyang? kainis naman eh!!!

"Well, Inaamin ko na kamalian ko 'yon and I'm sorry, okay?" napapabuntong hiningang pag-hingi nito ng tawad. He's onyx eyes softened when he stares at me. "Pero, wala ka naman dapat ika-hiya dahil kahit ano pang itsura mo ikaw pa rin ang ami ko." malambing na sabi nito saka ako kinindatan na ikinapula naman at ikina-init ng pisnge ko.

Sus, maryosep! Ang aga-aga seven!

In almost 3 years of friendship sanay na ako sa mga banat niya na ganyan. We also flirt with each other but its only for fun. Sayang nga at hanggang kaibigan lang ang kaya naming maabot na relasiyon. Ayaw kong masira 'yon dahil lang sa mangmang na pagtingin ko para sa kaniya. I'd rather chose to be silent about my feelings than to lose him.

"You and your cheesy remarks. " mahinang usal ko sa sarili ko at umiiling-iling ang ulo na tiningnan siya.

"Teka, paano ka nga pala nakapasok?" kunit noong tanong ko na ikinahalukipkip naman niya.

"I came through that." anas niya sabay turo sa bukas kong bintana na ikinalaki naman ng mata ko.

"Seven Icarus Villaroman? Why would you come here through my window? Nasisiraan ka na ba ng bait?! Paano kung nalaglag ka habang umaakyat ha? Paano kung napagkamalan kang akyat-bahay ng mga kapitbahay namin?" asik ko sa kaniya na ikinakagat naman nito ng labi na tila nagpipigil ng ngiti.

"Anong nginingiti-ngiti mo diyan? Alam mo bang delikado ang ginawa mo?" inis na sabi ko sa kaniya na ikinabuntong hininga naman nito.

"You should know that it's just a joke, right? Sa pinto ako pumasok. Pinapasok ako ni tita, e. " sagot niya na ikinatahimik ko naman at ikinakurap-kurap. "Tsaka, think about it. Paano naman ako aakyat sa bintana mo, eh, ang taas-taas niyan?" sarkastikong sabi nito saka ako nginisihan na nakapagpapula naman ng pisnge at tainga ko sa hiya.

"Lumabas ka sa kwarto ko ngayon din Villaroman bago pa madilim ng tuluyan ang paningin ko sa'yo at masakal na kita!" asik ko at binato ulit siya ng unan na kaagad naman nitong ikinatakbo kaya naman sa pinto tumama ang unan na ibinato ko para sana sa kaniya.

Napabuntong hininga nalang ako ng mawala na siya sa paningin ko saka napasuklay sa sariling buhok. Akmang tatayo na sana ako mula sa kama ko ng bigkang bumukas ang pinto at dumungaw doon ang ulo ni Seven habang mayroon siyang nakakalokong ngiti sa muka.

"Make sure to wash your face ami~ May tulo laway ka pa!" nang-aasar na sabi nito saka mabilis na isinara ulit ang pinto.

Rinig ko pa ang malakas na tawa niya mula sa pinto.

"That idiot! Ang aga-agang nambubuwisit! Argh! May araw ka din sa 'kin Seven Icarus Villaroman!" inis na sigaw ko sa sarili at bahagyang sinabunutan ang buhok bago maglakad patungo sa banyo dito sa loob ng kuwarto ko.

Nagkakamot akong nagtungo sa lababo sa loob ng banyo ko saka nakapikit na kinapa ang sariling toothbrush bago 'yon lagyan ng toothpaste at magsipilyo na. Syempre nagmumog muna ako,'no!

Nang masiyahan na ako sa tagal ng pagsisipilyo nagmumog na ako at saka tumingin sa repleksiyon ko sa salamin.

Ngunit laking gulat ko ng makita ng sarili ko roon.

"SEVEN ICARUS VILLAROMAN?! PATAY KA SA 'KIN PAGBABA KO D'YAN!" umuusok ang ilong na sigaw ko mula sa banyo na narinig yata hanggang sa kanto.

Rinig ko naman mula sa baba ang histerikal na pagtawa ng lalaking may pakana kung bakit puro drawing ang muka ko. Nilagyan pa niya talaga ako ng tatlong guhit sa magkabilang pisnge at i-shinade niya pa talaga ng pabilog ang dulo ng ilong ko para magmuka akong pusa.

"Amethyst Verone Esquivel?! Ang aga-aga ang ingay-ingay mo. Mahiya ka naman dito kay tisoy!"

Rinig kong sigaw ni mama mula sa ika-unang palapag ng bahay namin na ikina-irap ko naman.

"Favoritism nga naman." mahinang bulong ko sa sarili ko at napa ismid na lang.

Napahawak ako sa baba ko at marahang itinabiling ang muka para lang makita ang pangil na iginuhit ni seven sa magkabilang dulo ng labi ko.

"That jerk! Anong akala niya sa muka ko? Sketch pad?!" inis na ani ko bago basain ang muka at kuskusin iyon para mawala ang drawing na inilagay ni Seven.

Lagot talaga siya sa 'kin pagbaba ko.


Moonillegirl🌷

Secretly In Love With My Bestfriend | ✓ [COMPLETED]Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang