Chapter Fifty-two

51 2 0
                                    

"Welcome back, amethyst!"

MUNTIK ng kumawala ang puso ko sa aking dibdib matapos ng malakas na sigaw na iyon ng mga kakalse ko pagkapasok na pagkapasok ko pa lang sa classroom namin.

"Ang oa niyo naman. Ano iyan, balik bayan? VIP? Anak ng presidente para i-welcome ng ganiyan?" may inis sa boses na bulalas ni Tiffany na ikinatingin ng lahat sa kaniya.

Masama ang tingin niya sa akin at ng grupo niya kaya naman wala akong nagawa kung hindi ang mapabuntong-hininga na lang.

What did I expect? Of course may mga may galit pa rin sa akin kahit na na-expel na sa school ang grupo ni Julia. Nalaman ko iyon nung huling bisita sa akin ni Hiro sa ospital.

"E, kung pasakan ko ng balik bayan box iyang bunganga mo, ha? Panira ka, e. " gigil na sambit naman ni Lyndsey habang may matamis na ngiti sa labi niya pero taliwas iyon sa puno ng lason niyang salita.

Tifanny and her friends looks taken a back by Lyndsey's responds.

"Isara niyo na nga lang ang bibig niyo kung wala kayong sasabihing maganda. Mga papansin kayo, e." dagdag pa ni Angel na ikinalaki ng mata ko bago mapatingin sa kanila.

"Tama, kakabalik lang nitong si Amethyst tapos magsisismula kayo ng ganiyan? Kung hindi ba naman kayo mga kulang sa aruga, e." asik naman ni Wendy na mas ikinagulat ko.

Natameme naman ang group ni Tiffany kaya naman napatikhim ako upang pawiin ang tension sa loob ng silid aralan namin.

"A-ah... E-erm. Nice to be back?" awkward na sambit ko na ikinatawa naman nila.

"Welcome back amethyst! Na-miss ka namin, right, guys?" sabay-sabay na ani Lyndsey, Angel at Wendy bago lumingkis sa akin na sinang-ayunan naman ng mga kaklase ko.

Hindi ko napigilan ang ngiti na bumalandra sa muka ko dahil doon. It feels nice being welcome by them. Pakiramdam ko ay nag-improve ang relasyon naming lahat.

From walang pansinin to bayanihan? Corny pero totoo.

"Anong kaguluhan ito? Hanggang sa labas rinig ang ingay ninyo." nabasag ang kasiyahan nain dahil sa masungit na boses na iyon kaya naman lahat kami ay napatingin roon.

Bumungad sa amin ang kunot na kunot na noo ni Mr. Liwag, ang Physical Science teacher namin.

"Ha, buti nga." rinig kong ismid ni Tiffany na hindi ko na lang pinansin. Iimbyernahin lang ako ng babaeng iyon, e.

"Sir, Masaya lang kami kasi nakabalik na si Amethyst." pahayag ni Jerome na ikinatingin ko sa kaniya.

Tumingin din naman ito sa akin at saka ako kinindatan na siyang ikinangiti ko.

"Really? Welcome back then." napakurap-kurap ito bago ako maliit na ngitian.

"What? Ganoon lang iyon? Hindi niyo sila papagalitan?" may inis sa boses na ani Tiffany na ikina-baling sa kaniya ni Mr. Liwag.

"That's how it is. They have valid reason to be happy and I understand why they're loud. Pero ang hindi ko maintindihan ay ang pangit mong pag-uugali Miss Reyes. It seems like you didn't payed attention in your GMRC class in elementary kaya ganiyan ang naging ugali mo. " kalamado ngunit striktong sambit ni Mr. Reyes kay Tiffany na ikinatameme naman nito.

"Papalampasin ko ito ngayon pero sa susunod ay guidance office na ang bagsak mo. You're grade 12 now and graduating soon. You're an official young adult now but you don't act like one. Immature pa rin mag-isip. How disappointing." napailing-iling na anito na ikinayuko naman ni Tiffany sa hiya.

I felt bad pero wala naman akong magagawa dahil kasalanan naman niya. She acted like a brat that's why napagsabihan siya ng ganon.

"Okay, let's settled down now. Mamaya na kayo mag-celebrate sa pagbabalik ni Miss Esquivel. I'll dismissedall of you 30 minutes before the second period so you can welcome her properly." anunsiyo nito na ikina-ingay ng lahat.

"Thank you, sir." nakangiting ani ko at bahagyang yumuko upang nagbigay galang sa kaniya.

He brush me off and position himself to the front.

"No problem. Umayos na kayo ng upo." Sabi pa nito na sinunod naman namin.

Napatingin ako sa upuan ko kung nasaan nandoon si Nadia.

We made eye contact pero siya na rin ang umiwas ng tingin sa akin.

I was hesitating to sit next to her pero wala akong choice.

Akmang hahakbang na sana ako also lang may biglang lumingkis sa braso ko kaya naman napatingin ako roon at naabutan si Wendy na nakangiti sa akin.

"Sit next to me will you? Hayaan mo siyang mag-isa ron." anito sabay hila sa akin sa upuan niya at hindi man lang ako hinintay makasagot.

Wala tuloy akong nagawa kung hindi magpati-anod sa kaniya.

Umupo ako s atabi niya at nakinig na sa prof namin. Mabilis lang ang naging takbo ng oras at gaya nga ng sinabi ng prof namin ay 30 minutes before his class ends ay i-dinismissed niya na kami.

Heto tuloy kami ngayon, naglalakad papunta sa cafeteria upang kumain. Habang naglalakad kami ay masalubong namin si Seven.

Our eyes met for a seconds at ang simula siyang maglakad papalapit sa amin habang kunot ang noo.

Akala ko ay babatiin niya ako pero taliwas noon ang ginawa niya.

"Can you guys minimize your voice? May mga nagkaklase pa sa mga rooms na nadadaanan niyo at saka bakit nasa labas kayo? Oras pa ng klase 'di ba?" kunot noong tanong nito na ikinatahimik naman naming lahat.

"Pinayagan kami ni Mr. Liwag na pumunta sa cafeteria upang i-celebrate ang pagbabalik ni Amethyst, Pres. Sorry sa ingay, excited lang." paliwanag ni Jerome na ikinatango naman ni Seven bago umalis sa harapan namin.

"Hurry up then para nakabalik din kayo sa classroom niyo kaagad. Go." anito bago kami lampasan.

Nagpatuloy naman sa paglalakad ang mga kakalse ko at ako ay nagapa-iwan.

Tinangka kong hulihin ang kamay ni Seven upang yain sana siya na sumama sa amin pero napalaki ang mata ko ng iiwas niya iyon at tuloy-tuloy na naglalakad papalayo sa akin.

Naiwan sa ere ang kamay ko habang nakatanga sa papalayo niyang pigura. Ni lingunin ay hindi niya ginawa.

Para namang tinarakan ng kutsilyo ang puso ko dahil doon.

His face is blank. Ni hindi rin siya masaya na makita ako. His eyes were empty when our eyes met. P-parang h-hindi niya ako gustong makita and he seems disappointment noong makita niya ako.

Humapdi ang mata ko dahil doon. F*ck! Iiyak ka nanaman amethyst? Palagi na lang ba?

"May paro-paro sa taas, oh." ani ng isang boses kaya naman wala sa sarili akong napatingin roon.

Bumalik tuloy ang luha ko sa aking mata dahil sa gulat at biglang pagtingala.

Napakunot ang noo ko ng makitang wala namang apro-paro doon. Nasora tuloy ang pag-mo-moment ko.

"Wala naman, e." parang batang ani ko bago tumingin sa may sala kung bakit ako tumingala.

Bumungad naman sa akin ang muka ni Hiro na gulat na nakatingin sa akin.

"Wala nga pero napatigil niyon ang luha mo 'di ba?" ngiti nito na ikina kurap-kurap ko sa kaniya bago bahagyang napalaki ang mata ng rumehistro sa akin ang sinabi niya.

Rinig ko naman ang pagtawa niya na ikinanguso ko.

" It's not the best day for him so just ignore him. You're friends are waiting. Sumunod ka na sa kanila." ngiti nito na ikinatingin ko sa likod ko at nakita na naghihintay sila sa dulo ng hallway.

Ng makita nila akong tumingin ay kumaway sila sa akin.

"Thank you, Hiro." ani ko sabay ngiti sa kaniya bago tumalikod at tumabo papalapit sa mga kakalse ko.

"You're welcome." rinig ko pang sabi niya bago ako makalayo na siyang ikinangiti ko ng hindi ko nalalaman.

Something about him is warm. And it felt... Nice.

_
Moonillegirl🌷

Secretly In Love With My Bestfriend | ✓ [COMPLETED]Where stories live. Discover now