Chapter One

318 8 0
                                    

Bold= present time
Italic= flashback

Amethyst's Pov

It was July eight that time and I was in my second year of high school. Isa ako sa mga top student sa klase pero hindi ako gaano ka popular gaya ng ibang studyante. I have bullies despite of being a top student and a bubbly girl in our class. Medyo malaman kasi ang katawan ko kaya lagi akong pinagkakatuwaan ng mga bully kong kaklaseng lalaki na walang magawa sa mga buhay nila.

Tinitiis ko lahat ng pambubully at minsan kahit umaabot na sa pisikal na pananakit ay hindi na lang ako umiimik because I was never fan of violence, but that's not until I was saved by him, Seven Icarus Villaroman. The boy who's a ball of sunshine and can be scary at the same time.

"H-hindi naman ako ganon kataba ah?" nakakagat ako sa aking labi habang sinusubukang ipagtanggol ang sarili sa mga bully ko.

"Anong hindi? Tingnan mo nga 'yang braso mo ang taba-taba at saka tingnan mo yung pisnge mo puputok na 'ata sa sobrang laman, e!" natatawang saad ni Erwin at saka siya tumawa kasama ng dalawa niyang kaibigang sila Marko at Troy.

Naikuyom ko ang sariling kamao habang nasa sulok ako at pinapalibutan nila akong tatlo para kutyain. Nasa likod kasi ako ng school para kumain ng tanghalian pero hindi ko naman inaasahan na makikita ko ang tatlong bully ko rito.

"Ano? Iiyak ka na ba, tabachoy?" pangungutiya pa ni Troy habang si Marko naman ay nakangisi lang at halatang nasisiyahan siya sa mga nangyayari na siya namang ikinasagad na ng pasensya ko.

I shakily raised my bag in the air at inihampas ko sa kanila 'yon gamit ang buong lakas ko na ikinatumba naman nila sa sahig dahilan para mapasinghal sila sa sakit at bilis ng bagsak nila.

"Ano bang kasalanan ko sa inyo? Nanahimik lang naman ako ah! Bakit kailangan niyo pang ipamuka sa 'kin na mataba ako?!" sigaw ko habang pinipigilan ang pagtulo ng sariling luha.

I won't satisfied them by seing me cry, NEVER.

"Aba't?! Ang lakas ng loob mo, ah? Bakit? Pumapalag ka na ba, ha? Tababoy?!" galit na galit na singhal sa'kin ni erwin bago siya mabilis tumayo at lumapit sa akin.

Halos manliit ako dahil sa tangkad niya at dahil sa nagaapoy sa galit na presensiya niya.

"Alam mo bang ayaw kong nadudumihan ang uniporme ko?" nagbabanta ang tono niya habang nakatingin sa akin ng matalim.

"H-hindi ko naman gus-

Napalunok na lang ako at napapikit nang itaas ni Erwin ang kamao niya at akmang susuntukin ako kaya naipikit ko na lang ang mata ko at hinintay na tamaan no'n.

Ganito naman palagi, e. Lumaban man ako o hindi, sa huli, ako pa rin talaga ang masasaktan ng pisikal at mental dahil sa mga masasakit na salitang ibinabato nila sa akin. Kaya hindi na sa akin bago ang ganito.

"Oi!" rinig kong sita ng isang hindi pamimyar na tono.

"Wala ba kayong magawang matino sa buhay niyo mga tol?" dagdag pa nito kaya napadilat din ang mata ko ng hindi tumama ang kamao ni Erwin sa muka ko at dahil na rin sa narinig kong hindi pamilyar na boses.

Malapit na ako sa pag-iyak no'ng mga oras na 'yon pero nakahinga ako ng maluwag ng marinig ang boses na 'yon. Dahil sa kaba ko siguro kaya hindi ko namalayan na nasa harap ko na ngayon ang isang lalaking hindi ko kilala at ang sumangga sa kamao ni Erwin.

"S-seven!" rinig kong nauutal na usal ni Marco, isa sa mga nambubully sa 'kin dahil sa pangangatawan ko. Hindi ko alam kung bakit takot sila sa ' Seven' daw na 'yon pero isa lang ang sigurado ako, he's a saviour.

Secretly In Love With My Bestfriend | ✓ [COMPLETED]Where stories live. Discover now