Chapter Nine

70 2 0
                                    


"Okay na po ba siya, Mrs. Marry?" rinig kong tanong ni seven sa nurse na naka-assign sa clinic.

Napatutop ako sa sarili kong bibig ng maalala ko nanaman ang kagag*han na ginawa ko sa kaniya kanina para lang mapakain siya ng lunch at mapapasok ko siya sa mga natitirang klase niya.

Matapos niya kasi akong ihatid sa clinic kanina ay pinagtabuyan ko na kaagad siya. I close the door at his face at ini-lock 'yon para hindi siya makapasok. I told him to eat lunch and that I'm okay. Pinapasok ko na lang siya sa klase niya dahil total naman nasa clinic na rin naman ako at wala na siyang dapat ipag-alala pa. Although hindi ako magtagumpay na pakainin siya ng lunch, at least napapasok ko siya sa mga natitirang klase niya kanina.

Well, hindi naman talaga ako ang nakapagpapasok sa kaniya, si Mrs. Marry, pero ayos na rin 'yon.

Nakapagpahinga na naman ako ng maayos pagkatapos kong makainom ng gamot kanina. Hanggang uwian na ako dito kaya naman hindi na ako nagulat no'ng marinig na lang ang boses niya sa kabila ng kurtina na nakaharang sa hospital bed na hinihigaan ko ngayon.

"Ayos na siya. Pina-inom ko na siya ng gamot at nawala na din ang lagnat niya dahil nakapagpahinga na rin siya ng maayos." sagot naman ni Mrs. Mary na siya namang ikinangiti ko.

"Gising na po ba siya? Pwede na kaming umuwi? Hindi po ba siya mabibinat kapag naglakad siya?" sunod-sunod na tanong nito na bahagya namang ikinatawa ni Mrs. Mary.

"Relax, Mr. Villaroman. Masyado ka pala kung mag-alala. Simpleng lagnat lang ang sakit ng nobya mo, walang dapat ipag-alala and yes, pwede mo na siyang i-uwi." pagpaapakalma ni mrs. Mary kay seven sa gitna ng pagtawa niya na ikinasabog naman ng pula sa muka ko.

Pero sa kabila ng pamumula ng muka ko at sa patago kong kilig ay hindi ko ma-iwasang mapakunot ang noo dahil wala man lang ginawa si Seven upang i-deny na wala naman talagang namamagitan sa aming dalawa.

Yes, we act like we have a relationship pero normal lang naman 'yon sa amin dahil komportable kami sa isa't-isa at sanay na kami do'n.

Naguguluhan lang talaga ako kung bakit hindi niya 'yon itinanggi.

Bakit nga ba hindi mo itinatanggi na nobya mo ako seven? Why would you give me high hopes kung wala namang sapat na basehan kung kaya mong panindigan o kung may katotohanan man lang 'yon?

Ang mahalin ka ng palihim ay sobrang hirap na, paano pa kaya kung bibigyan mo ako ng dahilan na paniwalaan na parehas tayo ng nararamdaman? Double kill na 'yon, sev.

So, please...

Stop being cruel...

"Sigurado po ba kayong ayos na siya? Parang wala siya sa wisyo, e."

Napabalik ako sa ulirat dahil sa boses na 'yon ni Seven na nakalapit na pala sa pwesto ko at dahil na rin sa kamay niya na kumakaway sa tapat ng muka ko.

Kunot noo kong tinabig 'yon at tiningnan siya ng nagtataka.

Puno ng pag-aalala ang muka niya habang nakatingin sa akin at sa tabi niya naman ay ang nakakunot ang noong si Mrs. Mary.

"Isang capsule lang naman ang pinainom kong gamot sa kaniya. Sigurado naman ako na hindi siya na-overdose." kunot ang noong pahayag ni Mrs. Mary na ikinangiwi ng labi ko.

Ano akala niya sa akin? Mahina? Sino'ng ma-o-overdose sa iisang capsule lang ng gamot?!

"Sigurado po ba kay-

"Uuwi na ba tayo, sev?" putol ko sa itatanong ni seven kay Mrs. Mary kaya naman naagaw ko ang atensiyon niya.

"Oh! nakabalik ka na pala sa tamang wisyo and yes, uuwi na tayo." masayang sagot nito at kuminang pa ang mga mata ng magsalita ako.

Secretly In Love With My Bestfriend | ✓ [COMPLETED]Where stories live. Discover now