Chapter Sixty

113 2 0
                                    

"K-kamusta ka na, Ami?" bungad na tanong sa akin ni Seven ng makapunta kami sa plaza dito sa bayan.

Wala namang amsiyadong tao ngayon kaya walang makakakita sa amin.

"I'm doing fine. Matagumpay naman ang mga negosyong itinayo ko kaya ayos na ang buhay ko ngayon." sagot ko habang nakatanaw sa fountain sa hindi kalayuan.

Nakakaaliw ang pagbabago-bago ng kjamy ng tubig dahil sa ilaw s ailalim ng tubig. Pakiramdam ko ay narerelax ako habang pinagmamasdan iyon.

"That's good to hear. Ako naman, successful engineer na rin. I was also in a band with Hiro and the others." pahayag naman nito na ikinatango ko naman.

"Y-you're getting married to her, right?" maingat na tanong ko habang Hindi nakatingin sa kaniya at nakatanaw pa rin sa malayo.

Ramdam ko ang pagtitig niya sa akin pero hindi ko pinansin iyon.

"Y-yeah, a month from now. I-ikaw? Any significant others?" tanong niya pabalik na ikina-iling ko naman.

"N-no, sa trabaho lang ang focus ko ngayon. I don't have time to settle down." Diretsyong anas ko na rinig kong ikinabuntong niya.

"Are we good?” nagdadalawang isip na tanong niya. “Okay pa ba tayo, Ami?" tanong niya pa sa akin na bahagya kong ikina-ismid.

"Why don't you answer your own question?" tanong ko sa kaniya pabalik na ikinatahimik naman niya. "You cutted me off, Sev. Bago ako umalis, wala na tayong pansinan noon." buntong hininga ko bago siya sulyapan.

"Now let me asked you back. Are we okay?" tanong ko pabalik sa kaniya na ikina-iling naman nito.

"Hayan na ang sagot mo." kibit balikat ko bago mag-iwas ng tingin sa kaniya.

I don't really want to speak anymore. Hindi ko anamn alam ang sasabihin ko sa kaniya.

"Why did you leave me? Bakit iniwan mo na lang ako ng ganon noon?" rinig kong tanong niya na hindi ko makapaniwalang ikinatingin sa kaniya.

"You're the first to do that, sev." sagot ko sa kaniya habang kunot ang noo ko. "Bakit tinatanong mo ako ng ganiyan. Ikaw ang naunang tumalikod sa akin at iwanan ako." dagdag ko pa bago mapailing-iling.

Is this what he wanted to talk about? Sumbatan ba ang gusto niyang mangyari sa pag-uusap na ito at hindi closure?

"Pero ikaw ang unang nang-iwan, ami." blankong sabi niya na ikinapanlabi ko. "Ni hindi ko man lang nalaman agad na sa ibang bansa ka na mag-aaral. Bigla ka na lang umalis ng wala man lang paalam. Ni hi, ni ho wala pagkatapos non. Alam mo ba kung gaano kasakit iyo—

"Ah, so you have the right to get hurt dahil sa ginawa ko pero ako walang karapatan na masaktan sa biglang hindi mo pagpansin sa akin? Sa pag-iwas mo na para akong may nakakahawang sakit?" Hindi makapaniwalang tanong ko s akaniya na ikina-iling naman nito kaagad.

"H-hindi ganon ang ibig kong sabihin, ami." dipensa niya na ikinataas ng kilay ko.

"Ano pala ang gusto mong sabihin kung ganon?" tanong ko pabalik na ikinabuntong hininga niya naman bago mapahilot sa sintido at harapin ako ulit.

"Ang sa akin lang, bakit hindi ka man lang nag paalam sa akin no'ng aalis ka na? K-kaibigan mo pa rin naman ako non, 'di ba?" pagtatanong niya na saglit Kong ikinatahimik.

Kaibigan?

"Para saan pa?" tanong ko. "Wala naman na akong rason para mag-paalam sayo non. Kayo na ni Nadia noon 'di ba? Sinagot ka na niya?" mapait na wika ko na ikinalaki naman ng mata niya.

Hindi ko tuloy maiwasang mapatawa ng mapait dahil sa reaksiyon niyang iyon.

"Oo, nandoon ako. " pagkumpirma ko sa iniisip niya na kita ko namang ikinalunok niya. "I was about to tell you that day na aalis na ako pero nasaksihan ko iyon, e. Kaya umalis na lang ako." dagdag ko pa saka mapait siyang nginitian.

Secretly In Love With My Bestfriend | ✓ [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon