Chapter Twenty-four

66 2 0
                                    

Amethys's Pov

KAKATAPOS ko lang maligo at magbihis nang makabalik si Seven. Gaya nga ng sabi niya, dala-dala niya ang isang box ng cookies na padala ni Lola esme na iniwan niya kanina dahil isinayaw niya ako.

Isinayaw niya ako sa ilalim ng ulan. Kusang nag-init ang mga pisnge ko dahil sa isiping 'yon at matapos bumalik sa ala-ala ko ang biglaan niyang pagsulpot sa harapan ko kanina at ang pagsasayaw niya sa akin.

I felt so special all of a sudden. Pakiramdam ko isa akong disney princess. Cringy pero iyon nag totoong nararamdaman ko no'ng mga oras na isinasayaw niya ako. Para kasing napaka-espesiyal kong tao para sa kaniya. I don't want to think deeper than that. Hindi naman kasi ako sigurado kung ang pinaramdaman niyang pagka-espesiyal na iyon ay pang-kaibigan lang o mas higit pa.

Ayaw ko namang maging asyumera dahil ako lang din naman ang masasaktan sa huli. Kaya naman binabakuran ko na ang isip at puso ko na mag-isip sa mga bagay na ipinapadama niya sa akin na pang-kaibigan lang naman ang purpose.

Napabuntong-hininga ako ng mapansing hindi siya gunalaw mula sa pintuan ng bahay namin kaya naman dala ang tuwakyang malinis ay nilapitan ko siya.

Ini-abit ko sa kaniya ang tuwaliyang hawak at marahang kunuha sa kaniya ang bix ng cookies.

"Ako ng bahala rito. Maligo ka na riyan. May inilabas akong damit na kakasiya sayo." usal ko ng makalapit sa kaniya at marahang kuhanin ang hawak niyang box ng cookies.

Hindi kasi nakatakas sa akin ang panginginig ng katawan niya dahil sa lamig. Alam ko na rin kung vakit hindi siya makapasok ng tuluyan. He's dripping wet. Ayaw siguro niyang mabasa ang sahig.

Masohista talaga, mas gugustuhibg lamigin kesa basain ang sahig ng bahay namin na madali lang naman tuyuin.

"P-pero mababas-

"Madali lang tuyin ang sahig, sev. Pumasok ka na kasi, magkakasakit ka pa niyan sa ginagawa mo, e." bahagyang sermon ko sa kaniya na ikinabuntong hiningan namna nito bago tuluyan ng pumasok.

"Sa kusina lang ako, maligo ka na sa banyo." bulalas ko bago imuwestra ang ulo ko sa isnag pinto kubg nasaan ang banyo namin. "Sumunod ka na lang ipagtitimpla kita ng mainit na inumin. Kainin na natin ang cookies na 'to bago ka umuwi." dagdag ko pa na ikina-tango niya naman.

"Sige, susunod na lang ako sayo ron." sagit naman niya at nagmaritya na papunta sa banyo uoang maligo habang ako naman ay naglakad na rin papunta sa kusina upang mag-init ng tubig.

Kinuha ko ang takure sa taguan at saka binankawan iyon bago lagyan ng malinis na tubig. Pagkatapis ay isinalang ko na iyon sa kalan ng may katantamang apoy lang.

Iniwanan ko na muna iyon saglit at nagtungo sa tauban ng plato upang kumuha ng dalawang tasa na titimplahan ko ng gatas. Mayroon pa naman akong stocks ng bear brand dahil iyon ang iniinom ko tuwibg umaga.

Naglagay lang ako ng tigatlong kutsara sa bawat tasa at isang kutsaritang asukal pra nagkaroon naman ng tamis kaunti ang gatas. Binalingan ko ang iniinit kong tubig pero hindi pa iyon kumukulo. Tumutunog na siya pero wala pang usok na inilalabas ang nguso ng takure kaya naman nasisigurado ko na pakulo pa lang ito.

Kaya naman minabuti ko na kang muna na kumuha ng lmisnag plato sa tauban pra doon ilagay ang cookies na nasa box. I was humming a random tune while I'm doing that.

"Huwag ka ng kumanta, baka umulan ulit."

Napa-angat ang tingin ko sa ginagawa dhail sa boses na iyon si Seven.

Saktong oag-angat ng tingin ko naman ay ang pagsalubong sa akin ng nang-iinis niyang ngiti. Nakasandal siya sa hamba ng pinto ng kusina habang nakapalibit sa keeg ang tuwalya. May tumutulo pang tubig sa buhok niya na ikina-iling ng ulo ko bago ko siya irapan.

Secretly In Love With My Bestfriend | ✓ [COMPLETED]Onde as histórias ganham vida. Descobre agora