Chapter Thirteen

74 2 0
                                    

NAPALAKI ang mata ko pagkalabas na pagkalabas ko pa lang ng pinto ng bahay namin. Kitang-kita ko kasi sa labas ng gate namin ang imahe ni seven habang tahimik na naghihintay sa labas.

Tahimik akong napamura sa isip ko dahil akala ko ay iniwan na niya ako kanina kaya naman hindi ko na binilisan ang kilos ko upang maghanda.

Madalas kasi siyang pumunta sa amin para sunduin ako. Pasado alas sais pa lang ng umaga, kaya naman no'ng sumilip ako sa bintana kanina upang tingnan kung nandoon na siya at hindi siya makita roon ay in-assume kona na late siya o kaya naman ay nauna na siya sa school.
Minadali ko na ang pag-lolock sa main door ng bahay namin at lumabas na sa gate.

"Kanina ka pa ba naghihintay?"

Bungad na tanong ko kay Seven matapos makalabas ng gate ng bahay namin. Nakatalikod ako sa kaniya dahil isinasara ko pa ang gate namin. Mahirap na at baka manakaw ang mga halaman ni mother, ako na naman ang mabubungangaan no'n pag-uwi.

Mahal na mahal pa naman no'n ang mga halaman niya. Hyssst!

"Hindi naman masyado." kibit balikat na sagot niya na ikina-taas ng kilay ko.

"Seryoso. Kanina pa nga ba naghihintay?" tanong ko ulit sa kaniya na ikina-buntong hininga naman nito.

"Oo. Importante pa ba 'yon?" kunot ang noong tanong niya rin pabalik na ikinakurap-kurap ko.

"Anong oras ka dumating?" puno ng kuryosidad na tanong ko.

Sinulyapan niya ako at saka nag-iwas ng tingin bago pumito at pinag-interesan tanawin ang kalangitan.

"Six thirty." tipid na sagit niya at napapakamot pa sa batok at hindi pa rin nakatingin sa akin.

"Takte!" gulat na usal ko at sinamaan siya ng tingin kahit wala naman ang tingin niya sa akin. "Bakit hindi ka tumawag? Nakatiis ka ng nakatayo lang dito sa labas ng bahay namin? Seryoso ka ba?" may inis sa tono na singhal ko sa kaniya.

I gritted my teeth in annoyance. Bakit hindi siya tumawag? Wala man lang akong kamalay-malay na nandito na pala siya sa labas ng bahay namin.

"Malay ko ba kung naliligo ka o ano? Tsaka wala naman masama sa paghihintay dito sa labas. Mas nakakarelax dito dahil fresh ang hangin. Baka kung sa loob ng bahay ninyo ako maghintay, eh, mayamot lang ako." dipensa nito sa sarili na ikinasabunot ko sa sarili kong buhok.

"Hindi naman 'yon yung point, e." inis na usal ko habang nakatingin sa kaniya.

Hinarap niya ako at kinunutan ng noo bago niya pagsiklopin ang dalawang braso sa harapan ng dibdib niya.

"Eh, ano bang pinuputok ng butchi mo kung gano'n?" ma-attitude na tanong niya na ikina-irap ko.

"Bakit hindi mo ipina-alam sa akin na nadito ka na? Akala ko ay late ka o kaya ay iniwan mo na ako at nauna na sa school kaya naman sinulit ko ang time ko para mag-handa." may bahid ng inis sa tonong pahayag ko at mas lalong kumunot ang noo.

"Nakakahiya dahil napaka tagal ko tapos ikaw naghihintay dito. Ano na lang iisipin ng mga tao? Ti-ni-take advantage kita?" dagdag ko pa at saka nakapanlabing umiwas ng tingin.

Naiinis ako. Alam kong mababaw na dahilan lang pero gaya nga ng sabi ko dati, sensitive akong tao. 6:30 siya nakarating at 7:15 ako lumabas ng bahay namin dahil akala ko ay late siya. I even take my time to get ready.

Wala naman kaso sa akin kung malate ako pero ang madamay siya dahil sa pagiging pabaya ko ay ibang usapan na.

"Sabay tayo laging pumapasok 'di ba? Bakit naman kita iiwan?" kunot noong tanong niya sa akin.

"Ewan ko. Dati kasi 6:00 palang ay nandito ka na pero noong hindi kita nakita ay akala ko nauna ka na sa school." sagot ko na ikinakunot lalo ng noo niya.

Secretly In Love With My Bestfriend | ✓ [COMPLETED]Where stories live. Discover now