Chapter Three

136 5 0
                                    

Continuation of amethyst's pov

"Welcome back to Purple Paradise, Miss Amethyst and Sir Seven." 'yan agad ang bumungad sa amin ng isa sa mga staff pagkapasok na pagkapasok palang namin sa Purple Paradise na isang book Caffè.

Dito kami madalas tumambay ni Seven kapag walang pasok, gaya nalang ngayong sabado. Nakangiti kong tinanguan ang staff na bumati sa 'min saka walang imik na pumasok na sa loob at hindi na nag-abalang hintayin si Seven bago pumasok.

"Ami naman!" muryot nito mula sa likod ko pero hindi ko pa rin siya pinansin.

Aba! Siya lang naman yata ang dahilan kung bakit nanatili ako sa loob ng banyo ko ng mahigit sa isang oras para lang tanggalin ang iginuhit niya sa muka ko na ang ginamitan pa niya ay permanent marker, yes! PER.MA.NENT MAR.KER!

Halos mabakbak ang balat sa muka ko matanggal ko lang ang mga iginuhit niya ro'n kaya bahala siya dahil galit ako sa kaniya, hmph!

"Ami~ bati na tayo please?" pamimilit pa nito sa 'kin at naramdaman ko nalang ang pagpulupot ng braso niya sa braso ko. Nilingon ko siya saglit at naabutan siyang nakanguso habang naka-puppy dog eyes at diretsiyo sa akin ang tingin.

"Hmp!" I scoffed before turning my nose away from him. My action resulted him to sulk like a depressed boy kaya napasulyap ako sa kaniya ng palihim.

Pero napa-iwas din kaagad ng biglang nagliwanag ang muka niya na parang bang may naisip siyang magandang ideya.

"I'll buy you some ice cream if you forgive me, please?" malawak ang ngiting sabi nito at ngayon ay nasa harapan ko na at sa mismong pagmumuka ko pa na ikinapula naman ng pisnge ko ng bahagya.

'Too close, seven, damn it!' I mentally said to myself before coughing awkwardly.

"Sinusuhulan mo ba ako, Seven?" nakataas ang isang kilay na tanong ko at marahang itinulak siya papalayo sa 'kin sa pamamagitan ng paghawak sa magkabilang balikat niya. Naka hininga naman ako ng maluwag matapos magawa 'yon.

Wews! That was so close.

"Am I?" inosenteng tanong nito na ikina-irap ng mata ko sa kaniya. "Bati na kasi tayo, ami~. I promised I won't do that again 'kay?" pangungulit pa nito na ikinabuntong hininga ko naman.

Hindi ko naman siya matitiis, eh. Bukod kasi sa makulit ang isang 'to may kahinaan din ako pagdating sa kaniya. Hindi ko siya kayang hindi kibuin ng matagal dahil hindi ako sanay. Minsan ay hindi ko maiwasang mainis dahil sa lakas ng epekto niya sa'kin.

"Siguraduhin mo lang dahil kung hindi masasapak na talaga kita!" madilim ang mukang sabi ko at pabiro siyang sinamaan ng tingin na ikinatango naman nito ng mabilis.

"Promise!" mabilis na saad pa nito matapos tumango with matching taas ng kanang kamay pa na parang nanunumpa na bahagya namang ikinangisi ko.

"Good!" kuntentong saad ko at nag-thumbs up pa sa kaniya bago nagpatuloy sa paglalakad papunta sa favorite spot namin dito sa Caffè habang nakabuntot siya sa 'kin na parang isang puppy.

"Kamusta nga pala ang naging takbo ng family dinner niyo kagabi?" kunot noong tanong ko kay Seven matapos kaming maka-upo. Nasa harapan ko naman siya kaya kitang-kita naming ang isa't-isa.

"Maayos naman. May kaunting problema lang dahil alam mo naman na hindi magkasundo ang parents ko at si lola pero all in all naging maayos naman ang takbo ng family dinner namin." may maliit na ngiti sa labing sagot nito na ikinabuntong hininga ko bago napangiti sa kaniya.

"Huwag kang mag-alala. Ipagpatuloy mo lang ang misyon mo na pag-batiin sila. Sigurado naman ako na hindi matitiis ni Lola esme ang mama mo. Bigyan mo lang sila ng kaunting panahon para makapag-isip pa." nakangiting pahayag ko upang pagaanin ang loob niya na mukang nagawa ko naman dahil ang kaninang nakababa niyang balikat ay nakataas na ngayon ng maayos.

Secretly In Love With My Bestfriend | ✓ [COMPLETED]Where stories live. Discover now