Chapter Fifty

72 5 2
                                    

One week later...

Nakapangalumbaba ako habang nakatanaw sa labas ng bintana sa salas namin. Kakauwi lang namin kanina galing sa ospital dahil na discharge na rin naman ako kaagad. Isang linggo lang ako namalagi doon dahil need pa daw obserbahan ang paghilom ng dalawang bali kong ribs pero ng maging medyo okay-okay naman na ay pinalabas na nila ako roon.

Hindi pa ako gaanong magaling dahil hindi naman ganoon kadaling maghilom ang ribs ng isang tao. Medyo pahilom pa lang pero ang mas mainam naman ay hindi na iyon gaanong masakit at pwede na akong nakagalaw-galaw man lang kahit maliliit na movements lang.

Ngayon ay isang linggo nanaman akong mananatili sa bahay para dito naman mapagaling. Pagkatapos ng isang linggo na ito ay maaari naman na akong bumalik sa school.  Sakto rin naman na pagbabalik ko ay ang simula naman ng 4th quarter exam namin.

Pagkatapos niyon ay isang linggo na lang ulit ang bibilangin at graduation day na. My journey in High school will end and my journey in college will soon begins too.

Kapag nagsimula ang buhay ko sa kolehiyo ay kailangan na talagang magseryoso dahil doon na nakasalalay ang future namin ng mama ko.

I can't get distracted by then kaya gusto kong hanggat maaga ay resolbahin ko na ang mga nangyari sa pagitan naming ni Nadia at Seven. I don't want to have any regrets when I started college.

Pero mukang Malabo iyon dahil kahit isang linggo akong namalagi sa ospital ay ni isang beses Hindi ko nakitang dumalaw sa akin si Seven. Hindi rin naman nababanggit sa akin ni mama kung dumalaw ba siya o hindi kasi naramdaman niya siguro na iiyak lang ulit ako kapag nabanggit ang pangalan niya.

I was still hurt and bitter even. Totoo pala yung sinasabi nila na kahit gaano pa katagal ang pinagsamahan niyo ng isang tao, kapag nakahanap iyan ng magugustuhan niya higpit pa sa kung anong meron kayo ay ma-i-itchapwera ka sa huli.

That day when Nadia confesses to me that she also like— no, love Seven. Gumuho ang mundo ko. Iyong matagal ko ng ikinakatakot ay biglang sinampal ako sa muka.

How pathetic of me to think she will not fall for him habang bumubuo pa ako ng lakas ng loob umamin kay Seven? Every girls in our school fell for him, ano pa ang ipinagkaiba ni Nadia?

It was dumb on my part to think that she wouldn't. Ngayon tingnan mo ang nangyari.

“Duwag ka kasi.” mahinang bulong ko sa aking sarili bago mayayakap na lang sa aking tuhod habang nakatanaw pa rin sa bintana.

Nakatanaw lang ako roon habang pinapanood maglaglagan ang mangilan-ngilang maliliit na butil ng ulan kasunod ng sunod-sunod nitong pagbaksak. Sa una ay kakaunti lang pero s amga sumunod na minuto ay kumalas na ito.

Kasunod ng pag-ulan na iyon ay ang pag-ihip ng malamig na hangin na tumama sa muka ko.

Malungkot din ba ang kalangitan kagaya ko?

“ Kanina ka pa nakatanaw sa labas ng bintana, amethyst. Ano ba ang iniisip mo?” rinig kong tanong ng boses ni mama kapag-kuwan.

Nawala ang tingin ko sa labas ng bintana at napatingin sa kung saan ko narinig ang boses ni mama.

Nakatayo siya hindi kalayuan sa akin at may hawak na isang tasa bago siya maglakad papalapit sa akin at ilapag iyon sa harap ko.

The smell of a warm milk entered my nose na siya namang ikina-ngiti ko kay mama.

She playfully ruffles my hair bago siya maupo sa harapan ko.

“Ang sabi ng doktor mapagaling ka. Hindi baliwin ang isip mo sa kung ano mang bumabagabag sayo.” malumanay na sambit nito matapos maka-upo saka ako tiningnan na bahagyang ikina-iwas ng tingin ko sa kaniya.

Secretly In Love With My Bestfriend | ✓ [COMPLETED]Where stories live. Discover now