Chapter Twenty-eight

56 3 0
                                    

NAGTATAKA akong napatingin kay Seven matapos siyang maabutan na naka-upo na sa kama at nakasandig sa headboard ng kama niya habang nakatulala sa kawalan.

Tila ba ang lalim ng iniisip nito at hindi man lang napansin ang pagpasok ko. Ang buong akala ko pa naman ay tulog pa siya kapag bumalik ako pero kataka-takang nagising kaagad siya.

“Gising ka na? Binangungot ka ba?” tanong ko habang papalapit sa kaniya.

Doon palang siya napatingin sa akin at saka mabilis na rumehistro sa muka niya ang gulat ng makita ko na siyang ikinatawa ko naman.

“A-ami... N-nandito ka?” nauutal na tanong nito dahil siguro sa gulat na mas ikinatawa ko naman

His expression is so priceless.

“Ayaw mo ba?” tanong ko sa kaniya pabalik matapos mailapag ang tray ng pagkain sa tabi niya saka siya nang-aasar na nginisihan na kaagad namang ikina-iling-iling ng ulo nito.

“N-no! W-wala naman akong sinabing ayaw ko. ” mabilis na dipensa nito na mahinang ikinahagikgik ko naman.

“N-nagulat lang ako k-kasi nandito ka...” mahinang bulong niya pa saka ako seryosong pinakatitigan na ikinawala ng ngisi ko sa labi.

“ Hindi ba may pasok... Nag-cutting ka?” seryosong tanong nito na ikinalunok ko naman bago hilaw na mapatawa.

“H-hindi... ” tanggi ko at nag-iwas ng tingin sa kaniya.

Panigirado kasing magagalit siya sa akin at sesermunan niya ako.

“Ami,” nagbabantang tawag nito sa pangalan ko na bahagya kong ikina-igtad.

Ang lamig kasi at ang seryoso ng boses na ginamit niya upang tawagin ang pangalan ko. I felt nostalgic. Iyon kasi ang boses na ginamit niya noon upang takotin ang mga bullies ko no'ng first meeting naming dalawa.

Scary seven is back.

“H-hindi ako nag-cutting.” naka-iwas pa rin ng tingin sa kaniya ng ani ko na rinig kong ikina-ismid naman nito.

“Paanong hindi ka nag-cutting, e, suot mo pa ang uniform mo? Sasabihin mo ba ang totoo o hindi?” mahinang asik niya sa akin sa pagalit na boses na ikipinanlabi ko.

“Hindi nga kasi ak–

“Amethyst, isa!” putol niya sa akin na may pagbabanta sa tono.

“Hindi nga, sev. Ginawan naman ako ng excuse ni Nads. ” pag-amin ko na saglit niyang ikinatahimik bago ko marinig ang malalim niyang pag-buntong hininga niya.

Naglakas loob akong sulyapan siya at naabutan siyang napahilamos sa muka pagkatapos ay marahang minasahe ang sariling sintido na tila sumakit iyon bago ako lingunin.

Nagtama ang paningin naming dalawa kaya naman tipid ko siyang nginitian at nag-peace sign.

“Sorry...” bulalas ko na ikinabuntong-hininga lang nito.

“You shouldn't skip school just because of me, Ami. Kaya ko naman ang sarili ko.” napapabuntong-hiningang ani  niya na ikina-nguso ko.

Pero nagliwanag din ang muka ko dahil naalala ko kung paano pahuhupain ang galit niya. A banana milk! bumili ako non kanina...

Napalaki ang mata ko at saka bumagsak ang nalang ang balikat. Nakalimutan kong bumili dahil sa mga fan girl ni Seven na humarang sa akin!

' I'm doomed!' nagpapanik na na sabi ko sa isip ko.

Isa na lang ang naiisip kong paraan para matakasan ito.

Guilt tripping! Huhuhu sorry for this Seven...

Secretly In Love With My Bestfriend | ✓ [COMPLETED]Where stories live. Discover now