Chapter Twenty-five

58 3 0
                                    

NAGISING ako dahil sa pag-iingay ng cellphone ko kaya naman dali-dali ko iyong kinapa habang nakapikit ang mata.

Nasa tabi lang naman iyon ng kama ko at nakapatong sa kahoy na lamesa kaya madlai ko iyong nakuha.

“H-hello?” paos na ani ko kasunod ng paghikab dahil sa inaantok pa ako. Ni hindi ko pa nga maimulat ang mata ko, e.

'Amethyst, iha? Si lola esme ito. Naistorbo ko ba ang pagtulog mo?' rinig kong mahinahong usal ng nasa kabilang linya kaya medyo nagising ang diwa ko.

I was about to dose off again pero buti na lang at nagsalita ang nasa kabilang linya.

“L-lola esme? Bakit po kayo napatawag?” takang tanong ko at tumagilid ng higa sa kama bago ipikit ulit ang mata.

Inaantok pa talaga ako...

'Gusto ko lang sabihin na hindi makakasabay ngayon si Seven sa pagpasok.' usal nito sa kabilang linya.

“Bakit po?” wala sa sariling tanong ko.

'Nilalagnat kasi siya, Amethyst. Siguro ay dahil naulanan siya kahapon.' sagot nito na tuluyan ng ikinagising ng diwa ko.

Napabalikwas ako ng bangon dahil sa sinabing iyon ni Lola esme at nahulog pa ako mula sa kama ko.

Tahimik akong napamura at tinakpan ang speaker ng cellphone ko para hindi niya marinig ang daing ko.

' Amethyst, nandiyan ka pa ba? Bakit may kumalabog, ayos ka lang ba? ' rinig kong bulalas ni Lola esme ng may oag-aalala sa tono kaya dali-dali akong umayos ng upo sa sahig.

“O-opo, ayos kang po ako. May nasagi lang kaya po may kumalabog” tarantang paliwanag ko upang hindi a siya pag-alalahanin pa.

“S-si seven po ba? Magiging ayos lang po ba siya?” nag-aalalang tanong ko na ri ig kong payapang ikinatawa niya sa kabilang linya.

'Oo naman, alam mo naman ang isang iyon. Mabilis gumaling. Bisitahin mo na lang mamaya kapag may libreng oras ka para mas mapabilis ang pag-galing niya.' anito ng may panunudyo sa tono na siya namang ikinangiti ko.

“Susubukan ko pong pumunta mamaya riyan para dalawin siya.” sagot ko na ikinatuwa naman nito.

' Lola' rinig kong malambing na sbai ng nas akabilang linya. 'Apo? Bakit bumangon ka sa kama mo? Mahiga ka nga ron. Baka mabinat ka! Itong batang ito talaga oh.'

Rinig kong mahinahong sermon ni Lola esme kay seven. Rinig ko rin ang protesta nito at ang pag-iingay sa kabilang linya.

'Narinig ko po ang boses ni ami, e. Nandito po really ba siya o kausap niyo sa cellphone?' 

Rinig kong malambing na usal nito sa parang batang boses  na ikipinanlabi ko upang pigilan ang nagbabadiyang ngiti na ibig ng umusbong sa mga labi ko.

Sigurado akong nakanguso ito ngayon kahit hindi ko siya nakikita. Mag-aastang baby lang naman si Seven kapag may sakit siya.

He's clingy when he's sick at napaka-cute non. Napailing na lang ako dahil don at saka napangisi.

'Talas ng tainga mo, ah? Nakaloud speaker nga ako pero paano mo narinig iyon? Ikaw talagang bata ka... ' rinig ko pang hindi makapaniwalang usal ni Lola esme na tahimik kong ikinatawa.

Secretly In Love With My Bestfriend | ✓ [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon