Chapter Twenty-three

68 2 0
                                    

Napahawak ako sa dibdib kong halos kumawala na sa rib case ko. I was enamoured. Napakaganda niyang pag-masdan habang parang batang naglalaro sa ilalim ng ulan.

I silently stood there like a statue under the rain, watching her. Hindi ako kalayuan sa kaniya and I don't have any umbrella with me so technically, basa na rin ako sa ulan. Basa na rin ang suot kong damit pero hindi ko alintana 'yon dahil ang tanging gusto ko lang ay panoorin ang bahid ng  ka-inosentihan sa muka niya habang naliligo sa ulan.

I was quicked to put the cookies on the waiting shed area earlier para hindi ito mabasa. Mamaya ko na lang iyon babalikan at ibibigay kay ami.

'Take my hand...
hold me close,
Take one step.'

Napalaki ang mata ko at nabalik sa ulirat ng marinig ang pagtugtog ng isang musika.

Napukaw ng tingin ko ang hindi kalayuang malaking bahay kung saan ay may catering at magarbo ang ayos mahit na gate lang ang nakita ko at ang nga telang nakakabit ron na basa na rin. May-handaan yata rito at debut ang ipinagdiriwang.

Napaawang ang labi ko ng bumalik ang tingin ko kay Ami. Hindi na siya umiikot na parang bata...

She's dancing under the rain...

Napatulala ako habang pinapanood siyang magsayaw sa ilalim ng ulan. She's already soaked by the rain. Nakasarado ang mga mata niya habang umiindayog sa tugtog.

She moves elegantly. Hindi ko alam na marunong pala siyang sumayaw. The way she's dancing alone with her imaginary parter is really mesmerizing.

Hindi ko alam kung anong nagtulak sa akin pero nagulat na lang ako ng maabutan ko ang sarili kong naglalakad patungo sa kaniya.

I want to dance with her under the rain. Wala na akong pake sa kung ano mang iisipin niya. All I want is to take advantage of this moment to dance with her.

'Keep your eyes locked on mine,
And let the music be your guide.'

Marahan kong kinuha ang kamay niyang nasa ere na nakapatanong kunwari sa balikat ng imahinaryong kapareha niya. Her eyes immediately open.

Napalaki ang mata niya ng makita ako pero binigyan ko lang siya ng isang banayad na ngiti.

“Ako na lang ang isayaw mo.” nakangiting usal ko na ikina-awang ng bibig niya sa gulat. Napalaki rin  lalo ang mata niya dahil sa sinabi ko.

“S-seven...” nauutal at gulat pa ring tawag niya sa pangalan ko.

Ngitian ko siya ng malawak at ginabayan ang kamay niya upang humawak sa balikat ko pagkatapos ay pinagsiklop ko ang kamay naming dalawa gaya ng nakikita kong posisyon ng magkapareha kapag may nagsasayaw ng cottilion.

'Won't you promise me (now won't you promise me, that you'll never forget)
We'll keep dancing (to keep dancing) wherever we go next'

“The one and only.” tango ko. “Isasayaw kita okay? Mas mainam ang may kasayaw kesa mag-isa ka.” ngiti ko saka nagsimulang humakabang pakaanan at pakaliwa kasabay ng tugtog sa 'di kalayuan.

'It's like catching lightning the chances of finding someone like you
It's one in a million, the chances of feeling the way we do'

“A-anong ginagawa mo rito?” napapantastikuhang tanong niya na ikinatawa ko ng mahina bago bitawan ang isang kamay niya at iminuwestra siyang umikot na ginawa niya naman.

I catches her hands after. Naging dahilan iyon upang bumalik kami sa dating pwesto namin kanina.

'And with every step together, we just keep on getting better
So can I have this dance (can I have this dance)
Can I have this dance'

Secretly In Love With My Bestfriend | ✓ [COMPLETED]Onde histórias criam vida. Descubra agora