Chapter Five

105 4 0
                                    

"Esquivel! Hinahanap ka ni Seven sa labas."

Naalimpungatan ako dahil narinig ko ang pagtawag sa akin ng isang mapait na boses. Hindi ko pa man nakikita kung sino ang nilalang na 'yon ay alam ko na agad kung sino siya.

Tiffany Reyes, ang classroom president namin at ang number 1 admirer ni Seven na may malaking galit sa'kin.

Well, kasalanan ko ba na walang interes sa babae si Seven maski sa mga fangirls, slash, admirers niya? Sanayan lang ang araw-araw na pakikisalamuha ko sa mga tagahanga ni Seven dahil halos buong populasyon ng kababaihan sa school na 'to ay may galit sa' kin just because I am close to thier Seven Icarus Villaroman.

He's a Campus Heartthrob, by the way. Given na ang mga kababaihan na magkakandarapa sa kaniya at ang magkakaroon ng galit at inggit sa akin na kaibigan ng lalaking hinahangaan nila.

Sa kabila ng stress dahil sa araw-araw na pakikipag-plastikan ko sa mga fans ni Seven na gustong makipag-kaibigan sa akin para lang mapalapit sila sa kinababaliwan nila, nando'n din yung saya. Masaya ako dahil isang malaking sampal sa kanila na nalalapitan, nahahawakan at nakakausap ko ng matagal si Seven na sa panaginip lang nila mararanasan, bonus na lang ang paghatid at sundo niya sa akin sa school.

Kayabangan, aside.

Tumayo na ako sa upuan ko at isinukbit ang bag sa kanang balikat ko bago maglakad patungo sa pintuan palabas ng classroom. Recess time na kase.

Hindi kasi kami magkaklase ni, seven. Magkaiba kami ng section at ng building, which is understandable dahil hamak naman ang talino niya kaysa sa akin. Building A siya while Building C naman ako. Hindi nagkakalayo pero mas lamang ang kapasidad ng utak niya kaysa sa akin. Stem strand din kasi ang strand niya samantalang Humss naman ang sa akin kaya magkahiwalay kami ng building.

"Ami, dito!"

Napalingon ako sa kaliwang side ng hallway paglabas sa classroom namin dahil sa pamilyar na sigaw na 'yon ng pamilyar na boses.

And there I saw, Seven, on his glory. Nakatayo siya sa harapan ng vending machine habang kumakaway sa akin.

Kaagad naman akong nagpunta kung nasaan siya at saka interesadong pinanood ang pagyuko niya para kuhanin ang binili niyang drinks sa vending machine.

Napangiti na lang ako sa sarili ng makita kung anong nasa kamay niya na binili niya galing sa vending machine. It was a two bottle of banana milk, ang pinaka paborito niyang inumin.

Sa sobrang lawak kasi ng University ay tatamarin ka ng pumunta sa cafeteria. Kadalasan ay sa mga vending machine na lang talaga bumibili ang mga estudyante. Mayroon kasing mga inilagay na vending machine sa bawat building para sa mga lahat. That's why there are vending machines to every building and departments of this school, para kapag-nauhaw ang mga estudyante during calss hours or vacant class ay hindi na nila kailangan maglakad pa ng malayo para lang pumunta sa canteen at saklolohan ang nanunuyo nilang lalamunan.

Halos tatlong building rin kasi ang layo ng cafeteria sa building ng mga senior high, e.

Naging posible lang din naman ang nga vending machine sa away building dahil isa sa mga sponsor ng school ay japanese. Ito ang nagdonate ng mga vending machine. Ang astig nga, e. Nagmuka tuloy nasa ibang bansa ang school namin dahil sa high-tech na mga vending machines na 'to.

"Oh," si Seven sabay abot sa akin ng isang bote na hawak niya na siya ko namang tinanggap. "Ba't ang tagal mo? Kanina pa ako naghihintay sa labas ng room niyo, eh. Akala ko nga ay tinaguan mo na ako, nakabili pa naman na ako ng miryenda natin." nakangusong sabi nito na isa sa mga habit niya kapag nagtatampo.

Napatingin ako sa plastic bag na naka sabit sa pulsuhan niya at napakagat na lang ng marahan sa ibabang labi bago mag-angat ng tingin sa kaniya.

I look at him apologetically bago ko ibuka ang bibig ko upang magsalita.

Secretly In Love With My Bestfriend | ✓ [COMPLETED]Onde histórias criam vida. Descubra agora